^

PSN Showbiz

Ang babaeng pakakasalan ni Paolo Bediones!

- Veronica R. Samio -
Sa pagitan ng pagkain namin ng napakasarap na Little Caesar’s Pizza, ang pinakabagong product endorsement ng sikat na host ng Extra-Extra, LG Quiz Show at S-Files na si Paolo Bediones, nagawa kong kumustahin ang kanyang lovelife, na matapos ang episode nila ni Tisha Silang ay parang nawalan na ng kulay. Matangi sa paminsan-minsan ay naikakabit ang pangalan niya kina Kris Aquino, Janice de Belen at Miriam Quiambao, walang kongkretong palantandaan na mayroon siyang lovelife.

"Masyado akong abala para rito. Kapag nagsimula na nga ang isa pang show sa GMA na ako ang magpu-produce ay mawawalan na talaga ako ng oras para sa iba pang bagay," sabi ni Paolo during his launching as the newest product endorser of Little Caesar’s Pizza na ginanap sa isa nitong outlet dun mismo sa lugar ng RFM sa Pasig, ang kumpanya na nagpapatakbo ng nasabing mga pizza parlors.

Pero, inamin ni Paolo na he’s still grieving sa ginawang pagbabalik sa Canada ng singer na si Maxine. Bago ito, they were an item. Bagaman at sinabi niyang hindi sila mag-on kundi close friends lamang, ikinalulungkot niya ng labis ang ginawang pagpapabalik dito sa Canada ng mga magulang nito. Baka makatapos ang apat na taon, kapag nakatapos na ito ng kanyang pag-aaral dun ay payagan na itong muling bumalik dito at i-resume ang kanyang singing career. Pero sa ngayon, pinasasaya na lamang niya ang kanyang sarili sa kanilang madalas na pagtatawagan, pagsusulatan at pagti-text.

"Siya ang babaeng closest to my heart, ang nag-iisang babae na talagang kilalang-kilala ako. Who can tell, baka after four years, siya pa ang pakasalan ko, ang mapangasawa ko. We keep in touch," ani Paolo.

Going back to his endorsement of Little Caesar’s Pizza, lima ang pinagpilian ng RFM para mag-endorse nito. Pawang mga sikat na personalidad din ang apat, kilala sa kanilang fields of expertise. Ang inilamang lamang sa kanila ni Paolo ay ang kredibilidad nito, ang kalinisan ng kanyang pagkatao bilang myembro ng News and Current Affairs ng GMA.

Ang Little Caesar’s Pizza ay may 50 taon nang nagbibigay ng quality food products hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay isa ito sa top 3 chains in the world. Patok ang promo nitong "Dobleng Pizza sa Presyo ng Isa" na hindi n’yo kailangang puntahan sa tindahan dahil mayroon silang delivery service na hindi lalampas ng 30 minuto anumang oras na gustuhin n’yo. Kung hindi, sumbong kayo kay Paolo.
*****
Pinalitan na ni Clarissa Mercado si Halina Perez bilang leading lady ng Philippine Cocking Society para sa taong 2003. Ang pagsasalin ng legband ay pormal na isinagawa kahapon ng tanghali ni Dr, Jose Baylon Linda, PCS founder, sa Club Filipino kasabay ng paglulunsad ng pelikulang Tukaan ng Leo Films na kung saan ay isa sa tampok na bituin si Halina at introducing naman sina Clarissa at Tracy Torres.

Star din sina Lito Legaspi, Allen Dizon at Odette Khan sa direksyon ni Arman Reyes mula sa script ni Dennis Evangelista.

vuukle comment

ALLEN DIZON

ARMAN REYES

CLARISSA MERCADO

CLUB FILIPINO

DENNIS EVANGELISTA

DOBLENG PIZZA

HALINA PEREZ

JOSE BAYLON LINDA

LITTLE CAESAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with