^

PSN Showbiz

Mukhang alalay ang actress

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Minsan sa aming opisina ay napag-usapang muli ang mga artistang magaganda kahit walang make-up at nagkakaisa sila sa pagsasabing pinakamaganda pa rin sina Alma Moreno at Gretchen Barretto lalo na kapag walang make-up.

Napadako ang aming usapan sa mga itsura ng ibang artista kapag walang make-up. Kwento ng isang production staff ay hindi niya sukat akalain na ang iniidolo niyang sikat na aktres ay napakaganda kapag naka-make-up. Pero sa isang syuting ng pelikula ay maaga itong dumating nang hindi pa naka-make-up dahil doon na lang siya sa set pagagandahin.

Inamin ng production staff na may bisita silang tagahanga na idolo ang aktres at dahil walang make-up ay napagkamalan niya itong alalay. "Ganoon pala ang itsura niya kapag walang make-up. Akala ko ay maganda rin siya kahit bagong gising," aniya.

Ang sikat na aktres ay isa sa ginagawang role model ng mga kasamahang artista at manonood dahil bukod sa magaling umarte ay mabait din ito at sa pagdaan ng panahon ay hindi kailanman nalasing sa tagumpay.
Vilma vs Nora Sa TV
Kapipirma lang ng kontrata ni Nora Aunor sa Dos at ngayon ay under negotiation na ang isang TV project ni Vilma Santos sa GMA7.

Tipong mala-Maalaala Mo Kaya ang show at si Ate Vi ang magiging Charo Santos.

Pero ni-request daw ni Vi na kung matutuloy ang kanyang TV show ay ayaw niyang makatapat ang programa ng kanyang kumareng Guy.
Tian Tian, May Launching Movie Na
May bagong child wonder na sa katauhan ni Tian Tian Perez na ilulunsad na sa pagiging ganap na bituin. Ito ngayon ang magiging pambato ng MMG Films. Dahil sa talino sa pag-arte ay binigyan siya ng malaking break ng kompanya via Tutu (Ang Makulit Na Mumu) kung saan katatapos lang nila ng syuting.

Kasama ni Tian Tian si Jimmy Santos na labis na humanga sa bata dahil nakakapagmemorya ito ng mahabang linya. "Kapag nakakalimutan ang ibang salita ay siya na mismo ang nag-aadlib para matapos ang eksena," sabi ni Jmmy. Apat na taon lang ang child actor pero bibo ito at listo kaya nabigyan din ng pagkakataong maging bahagi ng Lunchbreak Muna kung saan may sarili silang segment ng kapatid na si Thea na pinamagatang "Miss U Bebe." Malaki ang naitulong ng programa kay Tian Tian para mahasa sa wastong pananalita.

Gaya ng ibang bata ay may sumpong din ito pero madali siyang ma-please. Mahilig ito sa pagkain at kita naman sa kanyang pangangatawan. Kapag may eksena ang dalawa ay sasabihin lang ni Jimmy na pupunta sila ng SM at kakain sila ng ice cream kaya ginagalingan ng bata ang pag-arte.

"Hanga ako kay Tian Tian dahil minsan kapag binibigyan ito ng instruction ni Direk Jerry Tirazona ay kung saan-saan lang ito nakatingin na para bang hindi siya (direk) pinakikinggan. Pero kapag take na ay nagtataka sila dahil nakakaarte ang child actor. Malayo ang mararating nito at talagang sisikat balang araw. Baka sumunod siya sa yapak noon ni Niño Muhlach na binansagan ding child wonder," sey pa ni Jimmy.

Gagampanan ni Tian Tian ang papel ng isang mumu na makulit. Pinaghalong drama at komedi ang pelikula. Kasama rin sa movie si Angela Velez.

May tutor si Tian Tian sa bahay dahil walang panahon para pumasok sa nursery school dahil sa showbiz commitment. Pero ayon sa titser ay madali naman itong turuan.
Apektado Ang Anak Sa "Bugaw" Issue
Kamuntik nang magkaroon ng showdown sina Mystica at Diwata sa The Buzz noong nakaraang linggo. Ang magandang samahan nila ay biglang nasira dahil sa rebelasyon ni Diwata na ibinubugaw siya ni Mystica sa isang anak ng congressman. Sinabi pang ipinakita ni Mystica lahat ng kanyang sexy photos para magkaroon ng idea ang lalaki kung ano ang itsura (Diwata). Tinawag na "bugaw" si Mystica at nakaapekto ito sa kanyang anak dahil tinutukso na ito sa iskwelahang pinapasukan ng "bugaw." Kinukontrol nito ang sarili para huwag siyang mapaaway.

Hinihiling ngayon ni Mystica na mag-apologize si Diwata bago tuluyang mapaaway ang kanyang anak dahil sa panunukso rito.

vuukle comment

ALMA MORENO

ANG MAKULIT NA MUMU

DAHIL

KAPAG

MYSTICA

PERO

TIAN

TIAN TIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with