^

PSN Showbiz

Pantapat sa Seiko Jewels

-
Unti-unti nang ipinakikilala ng Leo Films sa publiko ang mga bago nilang contract stars na sina Tracy Torres at Clarissa Mercado. After Halina Perez, inspirado ang producer ng produksyon na maglunsad ng mga bagong mukha.

Kung ang Seiko Films ay may Seiko Jewels, ang Leo films naman ay may Leo’s Platinum Babes sa katauhan nga nina Tracy at Clarissa. Parehong sexy at sariwa ang mga bagong bituing ito.

Ilulunsad sila sa pelikulang Tukaan. Ang sabi nina Tracy at Clarissa, hindi sila nagdalawang-isip nang pumirma sila ng kontrata sa Leo Films dahil naniniwala sila na mararating din nila ang naabot ni Halina.

Si Tracy Torres ang bago ngayong Flawless Queen. Mula ulo hanggang paa ay napakakinis niya samantalang si Clarissa Mercado naman ay grand champion ng Bikini Open 2002.

Si Tracy ay may hawig sa ganda nina Bing Loyzaga, ang dating beauty queen na si Azenith Briones at si Beth Bautista. Si Clarissa Mercado naman ay may hawig kay Patricia Javier na parehong-pareho rin ng ganda ng katawan at lutang na lutang ang kaseksihan.

vuukle comment

AZENITH BRIONES

BETH BAUTISTA

BIKINI OPEN

BING LOYZAGA

CLARISSA

CLARISSA MERCADO

FLAWLESS QUEEN

HALINA PEREZ

LEO FILMS

PATRICIA JAVIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with