^

PSN Showbiz

Arriba, Arriba, di tinanggal pinalitan lang si Jolina!

- Veronica R. Samio -
Sayang nga naman kung tatanggalin ng ABS-CBN ang programang Arriba Arriba! gayong maraming nanonood dito. Unfair nga naman sa ibang members ng cast nito gayong kay Jolina Magdangal lang naman sila nagagalit. Dahil hindi ito nag-renew ng kontrata sa kanila. At dahilan sa lumalabas na ito sa kalabang istasyon! Amenable naman si Jolina na ipagpatuloy ang pakikipag-trabaho nito sa kanila, pero hindi na exclusive. Gusto naman nito na matikman maging malaya. Kaya nga nagdecide itong maging freelancer. Maski naman sa GMA na nag-alok sa kanya ng kontrata ay hindi rin siya pumirma. Tama na sa kanya yung pwede siyang makapag-trabaho sa iba. Bukod sa kanyang mga guesting sa maraming programa ng Siyete, regular na siyang mapapanood sa Kahit Kailan na mapapanood tuwing Linggo, 2:30 n.h.

Samantala, humarap na sa press si Heart Evangelista bilang karagdagang cast ng Arriba Arriba! kahapon ng tanghali. Kapalit ni Jolina?

"Hindi po. Wala po siyang kapalit sa show, magkakaroon lang po ng mga additional characters. Hindi ko po kayang palitan si Jolina. Magaling po siya. At isa pa po, si Camille (Prats) ang iaangat nila sa show," anang isang tagapagmana ng pamosong Barrio Fiesta food chain.

Hindi na siya mapapanood sa Ok, Fine, Whatever! pero magpapatuloy ang kanyang hosting sa MYX sa Studio 23.

"Umiyak ako sa last taping ko ng Ok, Fine, Whatever!

Mami-miss ko ang mga kasamahan ko dito pero, happy naman ako na maging part ng Arriba," aniya.

"Magiging anak siya ni Aiai delas Alas sa show na inakala nitong namatay na nung bata pa ito.

Malapit nang mag 18 si Heart, sa Feb. 14, 2003 pero ayaw niya ng party. Mas gusto niyang mag-travel sa Europe. Mga walong taon din siyang nanatili ng US simula nung apat na buwan hanggang walong taon siya. Kaya panay ang pag-iipon niya ng pera bagaman at ang travel niya ay isu-shoulder ng kanyang mga magulang bilang regalo sa kanyang debut.

Isa si Heart sa mga mapapalad na kabataan na hindi kailangang magtrabaho para sa kanyang pamilya. Anumang kita niya ay napupunta sa kanyang savings bagaman at hindi naman siya kuripot lalo na sa kanyang mga kapatid. Palagi niya silang itini-treat sa labas kapag suweldo niya.

Hindi rin ang kanyang pag-aartista ang source ng kanilang family income kundi ang kanilang restaurant.

She has been offered a chance para maging regular VJ ng MYX, pero tumanggi siya. "Hindi pa ako handa para sa trabahong ito. Isa pa ayaw ko munang iwan ang aking pag-aartista which I will have to do kapag tinanggap ko ang trabaho bilang VJ", paliwanag niya.

Inamin din niya na kinakabahan siya sa pagsisimula ng kanyang trabaho sa Arriba. "I want to be good. Bahala na ang Diyos kapag lumampas pa ako sa goal ko," sabi niya.

When asked to comment on Jolina, sinabi niya na "She’s nice. Nung magkita po kami sa ASAP: ay extra nice siya sa akin."
*****
Magaling nang mag-perform si Franco Laurel. Napanood ko yung Blue Onion episode ng kanyang bar tour at halos hindi ako makapasok ng lugar dahil SRO.

Ni hindi pa yun weekend, Huwebes pa lang pero marami ang nanood. Naroon si Pops Fernandez na may kasamang guwapong date. Hindi ko nakita si Agot Isidro pero she was acknowledged. Andun din ang buntis na buntis na maybahay ni Franco, si Ayen whom Franco admitted ay in love na in love siya.

Ang bar tour ni Franco ay in line sa promo ng 2nd single niya na pinamagatang "Iisa" from his album titled "With You".

vuukle comment

AGOT ISIDRO

ARRIBA ARRIBA

BARRIO FIESTA

JOLINA

KANYANG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with