^

PSN Showbiz

Tatlo ang kapalit ni Assunta

- Veronica R. Samio -
Ngayong tila totoo nga na nagpakasal na si Assunta de Rossi sa kanyang boyfriend na Congressman, at ito na ang umaasikaso ng kanyang professional career, sa halip na malungkot dahil kung kailan maganda na ang career ng isa niyang alaga ay saka pa ito nag-asawa, ay ibinabaling ng kanyang manager na si Manny Valera ang kanyang atensyon sa iba pa niyang mga alaga.

Sa ngayon ay mayroon siyang tatlong baguhang babae na nangangailangan ng kanyang atensyon Anna Larrucea, 17 yrs. old, Glaiza de Castro, 14 yrs old at Jemalene Estrada, 16 yrs old– na karagdagan sa lumalaking roster of talents ng kanyang DMV Entertainment na binubuo nga nina Assunta, ng kanyang kapatid na si Alessandra de Rossi, Jay Manalo, Jean Garcia, Ynez Veneracion, Meryll Soriano, Paolo Rivero, Boyztown at marami pa.

Siyam na taong gulang lamang nang mag-artista si Anna sa Ang TV sa ABS-CBN. Napasama sa Ang Kaybol, Gimik, Tabing Ilog at naging anak ni Princess Punzalan sa Mula Sa Puso. Kapag libre siya sa iskwela ay nago-opening siya sa MTB.

Sa kasalukuyan ay nagti-taping siya para sa isang sisimulang telenovela ng GMA7, ang Hawak Ko Ang Langit, mula sa producers din ng Eat Bulaga, ang Tape, Inc.

Nabigyan na siya ng nominasyon sa Star Awards bilang Newcomer of the Year at nanalo bilang Child Star of the Night.

Unang napanood sa isang Jollibee commercial si Glaiza bago siya napanood sa Master Showman ni German Moreno. Nakapag-guest siya sa Kasangga bago siya nakuhang isa sa tatlong bidang babae sa Cool Dudes 24/7 bilang kapareha ni Danilo Barrios.

Sa kasalukuyan ay ginagawa niya ang Singsing Ni Lola sa Regal Films para sa Metro Manila Film Festival Philippines.

Bukod sa pagiging artista, isa ring recording artist si Glaiza. May album na siya sa XAX Records. Katatapos lamang ng concert niya sa Music Warehouse.

Sa komersyal ng PLDT nabinyagan si Jemalene sa edad na 13. Magkasama sila ni Glaiza na nakuha sa Master Showman para lumabas sa Cool Dudes katambal ni James Blanco. May 16 pictures contract siya sa Regal.
*****
Papayag ba naman sina Barbara Milano at Halina Perez na matalbugan ng isa’t isa sa kanilang pelikula sa Starlight Films na Biglang Liko? Syempre hindi kaya, nakasisiguro ang manonood na magiging mainit ang kanilang mga love scenes sa nasabing pelikula na nagtatampok din kina Gerald Madrid, Harold Pineda, Richard Quan, Stella L, Simon Ibarra at Anita Linda sa direksyon ni Joven Tan.

Naging tatluhan pa ang labanan dahil hindi rin nagpatalo ang baguhang si Nina Lopez na katulad ng dalawa ay maganda at daring pa.

Liku-liko man ang kwento ng Biglang Liko pero, may pinatutunguhan ang istorya. Maraming hubaran din pero may katuturan naman at mahalaga sa istorya.

Ilan lang sa mga nakagugulat na eksena ng pelikula ay ang lovescene nina Gerald at Simon, nina Madam Auring at Harold at nina Gerald at Barbara.
*****
Sa isang pakikipag-usap kay Judy Ann Santos, sinabi niya na nagtataka siya kung bakit all of a sudden ay napakaraming intriga ang kumakalat tungkol sa kanya ngayon. "Nagugulat nga ako dahil parang pelikula na, mga writers ang gumagawa ng senaryo. Gaya nung sinasabi nilang pag-aaway nina Dingdong (Dantes) at Piolo (Pascual) dahil sa akin. Hello. Parang ang haba haba naman ng buhok ko, pinag-aagawan pa ako ng dalawang lalaki. Hindi naman totoo dahil magkakaibigan lang kami. At sina Piolo at Dingdong, hindi rin sila magkaaway, magkaibigan din sila.

"Pati yung paghihiwalay nina Geneva (Cruz) at KC Montero, sa akin din isinisisi. Nakakatawa, di ko alam kung mapa-flatter ba ako o maiinis. Hindi ko na lang pinapansin kahit madalas, nakakapika na rin," sabi niya.

vuukle comment

ANG KAYBOL

ANITA LINDA

ANNA LARRUCEA

ASSUNTA

BIGLANG LIKO

COOL DUDES

GLAIZA

MASTER SHOWMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with