Jolina, may show na sa GMA
() - July 25, 2002 - 12:00am
Nasa ibang bansa si Jolina Magdangal starting August 1 hanggang sa 15th, for a series of shows in California, U.S.A. Magkakaroon siya ng concert, isa sa San Francisco, another one in LA at last stop nila sa San Diego. Lahat ng venues ng kanyang shows ay pawang second time na niyang mag-perform, hindi pa rin siya pinagsasawaaan sa mga lugar na ito.

Hindi pa pumipirma sina Jolina sa Siyete pero kumpirmado na siyang isasalang sa once-a-week show na Kahit Kailan Book 2.

Hindi naman kaagad na tinanggap nina Jolina ang alok ng GMA 7. May tatlong bagay muna silang niliwanag bago pumayag na mapasama sa series. Maganda ba ang magiging karakter ni Jolens? Siya nga ang pangunahing tauhan sa book 2 at sa kanya naka-focus ang istorya.

Maganda ba ang magiging epekto nito sa career ni Jolens?

Maganda ba ang budget?

At mas matimbang sa lahat kung ano ba ang magagawa nito sa showbiz career ng dalaga ni Daddy Jun Magdangal. Namumroblema lang ngayon sina Daddy Jun sa schedule ni Jolens. Paalis nga sila ng August 1st, pero nire-require na silang mag-taping. As of presstime, hindi pa nila naaayos kung kailan puwede si Jolens.

Kasama sa napiling sampung scripts para sa pagpipiliang final seven na makakasama sa darating na MMFFP, ang pelikula nina Jolens at Dolphy. May tentative title itong Home Along The River.

Pinag-uusapan na rin ngayon ang dalawang pelikula na gagawin ni Jolens for Viva Films. May balitang sequel ng Anak ni Annie Batungbakal with no less than Nora Aunor ang kanyang magiging co-star.

Balita rin namin, interesado si Direk Maryo J. delos Reyes na gawin ang pelikula. Siya rin kasi ang direktor ng original Annie B. na ginawa nila several years back. Marami ang nagsasabing bagay kina Jolens at Nora ang magiging roles nila sa pelikula. (Ulat ni Ben Dela Cruz)

ANNIE B ANNIE BATUNGBAKAL BEN DELA CRUZ DADDY JUN HOME ALONG THE RIVER JOLENS JOLINA JOLINA MAGDANGAL JUN MAGDANGAL MAGANDA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with