^

PSN Showbiz

'Hindi ako matinee idol' - Gerard

-
Minsan nang tinawag na Prince of Artfilms si Gerald Madrid - nung nagsisimula pa lang siyang gumawa ng mga pelikula. Nakuha pa nga niya ang nominasyon sa 1991 GAWAD Urian bilang best actor sa kanyang unang pelikula, Sana Pag-ibig Na.

"Nung una pa lang, alam ko naman kung saan ako nakapwesto. Hindi ako matinee idol, hindi ako yung tipong tinitilian kapag lumalabas sa screen. Basta inilagay ko na sa utak ko na nandito ako para umarte," sabi niya.

Naibigay na rin kay Gerald ang mga roles na hindi pa nagagawa ng mga aktor na kaedad niya.

"Kapag meron akong offer, ang una kong tinitingnan, ano ba ang kaibahan ng role? Gusto kong ipakita na aktor ako at kahit na anong role, pwede kong gawin," sabi ni Gerald.

Kaya naman tinatanggap ni Gerald ang mga roles na hindi magagawa ng ordinaryong young star, kahit na mga roles na kailangang magpakita ng kanyang katawan.

"Hindi naman ako basta naghuhubad lang. Oo, nakagawa na ako ng sexy movies, pero hindi para magkaroon lang ako ng pelikula. Alam ko kasi na lahat ng klaseng roles dapat mapagdaanan mo para matawag kang aktor."

Sa ngayon, ginagawa ni Gerald ang Biglang Liko, kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang probinsyanong lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanyang kasintahan.

"Parang Bembol Roco sa Maynila sa Kuko ng Liwanag ang role ko, pero mas daring nga lang nang konti," ang pangiting sabi ni Gerald.

Kasama rin siya sa cast ng Ginataang Apoy ng Star Cinema starring Aga Muhlach at Claudine Barretto.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKO

BEMBOL ROCO

BIGLANG LIKO

CLAUDINE BARRETTO

GERALD MADRID

GINATAANG APOY

MAYNILA

PRINCE OF ARTFILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with