Jessa, dinedma si Direk Kaka!
SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - June 6, 2002 - 12:00am
Nagkita sa premiere night ng Walang Iba Kundi Ikaw ng MMG Films sina Direk Kaka Balagtas at Jessa Zaragoza na may gagawing pelikula sa kompanya. Ngumiti at binati ni Direk ang magandang actress-singer pero dinedma lang siya nito. Kung matatandaan ay naging trauma kay Jessa ang isang movie noon na idinirek ni Kaka. Hindi pa rin pala nalilimutan ng singer ang sama ng loob niya sa director.
Mikey, Maaasahan Sa Aksyon
Malaki ang ipinagbago ng acting ni Mikey Arroyo. Dati ay sa action lamang siya pero sumasabak na rin siya sa drama ngayon. Magaling niyang nailarawan ang pagdadalamhati sa panggagahasa at pagpatay sa kanyang kapatid at lolo kaya napilitan siyang gumanti sa mga kaaway. Magaling na rin siya sa martial arts gayundin sa bakbakan at barilan.
Ronald-Jessa, Magtatambal
Magsisimula na ang Stuntman Story na tatalakay sa tunay na buhay ng isang stuntman at kung paano nalalagay ang buhay nito sa panganib. Si Ronald Gan ang bida ng pelikula at kapareha niya si Jessa.

"Mabait at tahimik si Ronald kaya tiyak kong magiging maganda ang aming working relationship. Matagal-tagal din bago ako muling gumawa ng pelikula kaya excited na ako. Action ang movie kaya naiiba ito sa ibang movie na nagawa ko na mga comedy at drama-light romance. Sana, magtuluy-tuloy na ako sa paggawa ng pelikula.

"Maganda naman at patuloy ang aking mga shows sa abroad. I’ll be busy doing my next album," sey niya.
Angelika, Nag-Voice Lesson Sa UP
Naimbitahan si Angelika dela Cruz sa turn-over ceremonies, blessing at inauguration ng Marcel-Miral Multi-Purpose Hall sa Barangay Salaban ng San Jose, Batangas noong Lunes. Ito’y sa paanyaya ng president-elect ng Rotary Club (Lipa South) na si Nikki Briones.

Maraming tagahanga ang aktres dun na tumatangkilik sa soap opera niyang Ikaw Lang Ang Mamahalin kaya hiniling nila kay Nikki na imbitahin ito kasama si Gob. Mandanas.

Nagparinig si Angelika ng dalawang awitin na sinundan pa ng isa dahil muli siyang pinababalik ng mga tao. Tinanong ko si Daddy Ernie (ama ng aktres) kung bakit malaki ang improvement nito sa pagkanta. Sinabi niya na kumukuha ito ng voice lesson sa UP under Jai Sabas-Aracama ng Conservatory of Music sa UP na siya ring nagturo kina Dulce, yumaong Tenten Muñoz at iba pang sikat na mang-aawit.

Wish ni Angelika na mabigyan ng isang musical show na ala-Vilma Santos para maipakita niya ang kakayahan niya sa pag-awit at pagsayaw.

May show si Angelika sa Hawaii sa susunod na buwan at pagkatapos ay tutuloy ng Japan for singing engagement. Malapit nang matapos ang kanyang mansion na balitang 10-milyon na ang nagagastos.
Ian, Nalinya Na Sa Pagiging Kontrabida
Tuluyan na nga yatang nalinya sa pagiging kontrabida si Ian de Leon na napanood namin sa Walang Iba Kundi Ikaw bilang kaaway ni Mikey Arroyo. Akala nga namin ay susunod ito sa yapak ng kanyang ama dahil magaling sa drama si Ian. Pero kaysa naman mabakante sa paggawa ng pelikula ay tinanggap na rin nito ang offer. Kunsabagay pwede namang ipakita ni Ian ang pagiging versatile actor kaya tumanggap ng character role. Pero sana next time ay matinding role ang kanyang gampanan bilang kontrabida. Kulang tayo sa mga batang kontrabida sa panig ng mga kalalakihan.
Blind Item: Maitim Ang Pwet Ng Aktor
Kwento ng isang attendant ng isang sikat na SPA Center ay madalas doon ang sikat na aktor na mainstay ng isang sitcom. Kabaligtaran ito sa ugali ng kapatid na isang TV host. Supladito ito at maliit lang kung magbigay ng tip. "Isa pa maitim ang kanyang pwet," tsika naman ng kiss & tell na female attendant.

Isa ring action star ang aktor pero nalilinya ngayon sa pagiging komedyante.

ANGELIKA BARANGAY SALABAN BLIND ITEM CENTER CONSERVATORY OF MUSIC IAN MIKEY ARROYO WALANG IBA KUNDI IKAW
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with