^

PSN Showbiz

Assunta, nakaungos na sa mga kalaban

RATED A - Aster Amoyo -
Pre-mature ang baby boy na isinilang ni Jean Garcia, nung Abril 4 sa pamamagitan ng caesarian section sa Cardinal Santos Hospital sa Greenhills, San Juan.

Six and a half-months pa lamang ang baby sa tiyan ni Jean nang ito’y lumabas na tumitimbang lamang na 1 lb. at 15 ounces kaya agad itong inilagay sa incubator na tumagal ng halos dalawang buwan. Pero ngayon ay ligtas na ang bata at tumitimbang na ng mahigit 4 lbs. at anumang araw ay puwede nang ilabas ni Jean.

Ang bagong silang na baby boy ay pinangalanan ni Jean na Kotaro, anak niya sa kanyang Japanese boyfriend. Ang eldest daughter ni Jean (sa aktor na si Jigo Garcia) na si Jennica ay 12 years old na ngayon at super excited sa pagkakaroon nito ng baby brother.

Ngayong may dalawang anak na si Jean, lalo siyang pursigido na pagbutihin ang kanyang trabaho para mapaghandaan ang magandang kinabukasan nina Jennica at Kotaro. Bukod sa kanyang singing at acting career, nagtayo rin si Jean ng sarili niyang negosyo, ang Eros Bar sa Quezon City.
* * *
Walang duda na isa si Assunta de Rossi sa pinakaabalang artista sa kasalukuyan. May dalawa itong regular TV programs sa GMA 7, Bubble Gang at Beh, Bote Nga and soon ay magkakaroon siya ng kanyang sariling teleserye sa Siyete, ang Hawak Ko ang Langit kung saan makakabituin niya sina Jomari Yllana, Jao Mapa, Jake Roxas, Rustom Padilla at Paolo Rivera na ididirek ni Gina Alajar. Ito bale ang makakapalit ng Biglang Sibol, Bayang Impasibol na napapanood pagkatapos ng Eat Bulaga.

Showing ngayon ang first team-up nila ni Bong Revilla ang Kilabot at Kembot at kasalukuyan naman niyang tinatapos ang Jologs sa Star Cinema. Pagkatapos nito ay agad niyang sisimulan sa Regal ang Bahid ni Joel Lamangan. Dito ay makakasama niya sina Eddie Garcia at Diether Ocampo. Naghihintay din sa kanyang availability ang Viva Films. May naka-line-up na rin siyang pelikula for the Metro Manila Film Festival in December, ang Mano Po na ididirek din ni Joel Lamangan. Makakasama naman niya rito sina Richard Gomez, Sunshine Dizon at Cogie Domingo.

At kung kelan namamayagpag ngayon si Assunta sa kasikatan ay saka naman zero ang kanyang lovelife.
* * *
At kung super-busy si Assunta, hindi rin nawawalan ng assignment ang kanyang nakababatang kapatid na si Alessandra de Rossi. May dalawa itong regular TV shows sa GMA 7, ang youth-oriented program na Click at ang teleseryeng Kung Mawawala Ka. Katatapos lamang niya ng filming ng Munting Tinig na dinirek ni Gil Portes for TeamWork Productions. Kasali din siya sa pelikulang Pakisabi Na Lang ng Regal Films na pinangungunahan nina Judy Ann Santos, Cogie Domingo at KC Montero at dinirek ni Boots Plata. Nakatakda ring simulan ni Alessandra ang Bonifacio na pagtatambalan nila ni Caloocan Mayor Rey Malonzo na ididirek ni Lorli Villanueva.
* * *
Maganda rin ngayon ang takbo ng career ng sexy stud na si Jay Manalo.

Katatapos lang nitong gawin ang pelikulang Kapalit ang comeback vehicle ni Alma Moreno. May sisimulan din siyang movie sa Regal, ang launching flick ng baguhang si Aubrey Miles, ang Prosti na ididirek ni Erik Matti. Nakatakda rin niyang gawin ang Erlinda Marikit under Joel Lamangan for World Arts Cinema.

vuukle comment

ALESSANDRA

ALMA MORENO

ASSUNTA

AUBREY MILES

BAYANG IMPASIBOL

BIGLANG SIBOL

BONG REVILLA

COGIE DOMINGO

JOEL LAMANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with