^

PSN Showbiz

Geneva, di pa ready sa bed scene

- Veronica R. Samio -
Sa halip na mag-bold, tumanggap na lamang ng isang action role si Geneva Cruz katambal ang presidential son at vice governor ng Pampanga na si Mikey Macapagal Arroyo sa pelikula ng MMG Films, ang Walang Iba Kundi Ikaw na nasa direksyon ni Jose "Kaka" Balagtas.

Tumanggi siya sa isang naunang alok na pelikula na nagri-require sa kanya na makipag-bed scene sa kanyang makakapareha. "Hindi pa ako handa para dito. Maybe, in the future. Pero, hindi lamang ito ang dahilan kaya ako tumanggi. Nagkaroon din ng conflict sa aking sked ang shooting nito.

"Gusto kong malaman ng mga tao na pwede ako kahit hindi bold, that I can kick some ass. Kaya nga grateful ako kay direk "Kaka" na pinag-aksyon niya ako sa Walang Iba Kundi Ikaw. Nakita rito ang pagka-Tondo girl ko, bumabaril ako, nag-aksyon. Grateful nga ako na pinahawak niya ako ng baril. Akala ko nga hindi ko magagawa pero, inisip ko na lang na lalaki ako at wala silang magagawa na hindi ko rin magagawa.

"Okay si Mikey, maalaga pero, di niya ako nabola. We went out once in a group, ang saya," kwento ni Geneva.

Ang Walang Iba Kundi Ikaw ay isang love story, tungkol sa dalawang magkasintahan na pinaghiwalay ng tadhana pero muling nagkita sa bundok. Isang rebelde si Geneva at isa namang tao ng pamahalaan si Mikey.

Kasama pa rin sa movie sina Roi Vinzon, Ian de Leon, Daniel Fernando, Charlie Davao, Yam Ledesma, Izza Ignacio at marami pa.
*****
Maraming artista sa pelikula ay lubhang nababahala na sa pagkaunti ng mga pelikula ngayon at kahit na ibaba pa nila ang kanilang mga presyo ay hirap silang makakuha ng assignment sapagkat unti unti nang nawawala ang mga gumagawa ng pelikula. Maraming independent producer ang pansamantalang tumigil sa paggawa ng pelikula hangga’t matumal pa ang pagtanggap dito ng mga manonood. Marami rin ang nag-iba muna ng negosyo na nagtaboy sa maraming artista na gumawi sa mga istasyon ng TV at makipagsapalaran sa napakaraming palabas na siya ngayong tinatangkilik ng masa dahil libre lamang ito.

At habang hindi magkamayaw sa paghahanap ng mga roles ang mga artista, eto naman si Aga Muhlach at diumano ay nagagalit pa raw sa kanyang manager sapagkat naikuha siya nito ng maraming assignments. Dahil dito ay nawalan siya ng panahon para sa kanyang kambal na anak. Kung dati ay halos ayaw niyang lumabas ng bahay, ngayon naman ay kinailangan niyang mamalagi ng Pampanga para lamang matapos ang pelikula na ginagawa niya para sa Star Cinema katambal si Claudine Barretto.

Worried si Aga na baka habang wala siya ay magsimula nang maglakad ang kanyang mga anak at hindi niya makita ang mga first steps ng mga ito. Naniniwala siya na no amount of money can compensate for his failure to miss this momentous event as a father.

Kung magagawan niya ng paraan ay umuuwi siya sa kanyang mag-iina pero, dahilan sa mga sirang kalsada, inaabot siya ng ilang araw bago makabalik ng Maynila at makita ang mga anak.

Personal din ang pag-aasikaso na ginagawa ni Charlene kina Andres at Atasha. Kahit may mga personal nurses ang mga ito ay hindi pa rin niya ipinagkakatiwala sa mga ito ang pag-aasikaso sa kambal. Kapag wala silang mag-asawa, the grandmas take over the supervision. The twins will definitely grow under the care of their famous parents at lalaki silang busog sa pagmamahal ng mga ito.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKO

CHARLIE DAVAO

CLAUDINE BARRETTO

DANIEL FERNANDO

SIYA

WALANG IBA KUNDI IKAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with