^

PSN Showbiz

Carol, pinaasa ang GMA

-
Isang iritadang insider ng GMA-7 ang nagbulalas ng kanyang sama ng loob dahil sa umano’y panggagamit ni Carol Banawa sa kanila para sa sarili nitong kapakanan. Dapat daw ay inisip ng singer/actress ang malaking istorbong ginawa nito sa bigwigs ng kanilang network na pag-aksayahan ng panahon para kausapin siya noong mga panahong nangangailangan ito ng tulong.

Matatandaang noong wala si Carol sa bansa dahil sa pagtupad sa kanyang Judah Ben-Hur participation sa Singapore, iba-ibang alingasngas ang kinasangkutan nito. Balita noon na aalis siya sa ABS-CBN dahil hindi napagkasunduan ang pagbabago ng kanyang pipirmahang kontrata. Ang gusto ng kanyang mother studio ay kung ano ang terms and conditions ang nakasaad sa lumang kontrata ay iyon pa rin ang magiging laman ng kanyang pipirmahang kontrata.

Hindi pabor ang kampo ng singer/actress kaya bago ito umalis noon para sa kanyang stage play sa ibang bansa ay nakipag-meeting sila sa GMA-7 bosses.

Maganda ang nangyari sa naturang pag-uusap kaya maganda ang plano ng GMA-7 sa naturang singer/actress. Babaguhin ang kanyang image at pati ang personality nito ay itutugma sa kasalukuyang fashion trend ng ating mga mang-aawit. Kulang na lang ang pirmahan at palagi pa ang plugging sa SOP ang kanyang pagiging kapamilya ng naturang Sunday show.

Pero sa pagbalik ni Carol sa bansa ay sa Dos din siya pumirma ng kontrata. "In a way ginamit niya kami para sa sarili niyang kapakanan," sabi ng GMA insider. "Hindi man lang niya inisip ‘yung ginawa niya," dagdag pa nito. (Ulat Ni Alex Datu)

vuukle comment

BABAGUHIN

CAROL BANAWA

DAPAT

ISANG

JUDAH BEN-HUR

KANYANG

MAGANDA

MATATANDAANG

ULAT NI ALEX DATU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with