Pinag-aaral ang sarili
March 20, 2002 | 12:00am
Iisa pa lamang ang pelikula niya, ang Cool Dudes ng Regal Films, malakas na kalaban ng kumpanya na nagpasikat sa kanya, ang Star Cinema. Nadiskubre nila siya habang nanonood siya ng G-Mik Nation Tour at isinama sa Star Circle Batch 9. She has since been a part of Da Body en Da Guard, MTB at nakapag-guest na sa mga programang Wansapanataym, Arriba!, Arriba! at Flames. Pero, ang performance niya sa "Gown" episode ng Maalaala Mo Kaya ang naging dahilan para mabigyan pansin siya at nagsilbing tulay para makilala siya ng press at gawin siyang nominee sa katatapos na Star Awards for Movies sa kategorya ng New Movie Personality of the Year.
Siya si Angelene Aguilar, 15 taong gulang, may taas na 55" at nasa unang taon ng high school Sa Distance Learning Center ng ABS CBN. Ang pambayad niya sa iskwela ay sa kinikita niya galing pero ito ay desisyon niya bagaman at kayang-kaya siyang papag-aralin ng kanyang mga magulang. Dadalawa lamang silang magkapatid at ang kanyang ama ay isang computer programmer sa US.
"Ayaw ng father ko na mag-artista ako dahil baka masira raw ang pag-aaral ko. Pero, talagang pinilit ko ang mom ko na payagan ako. Umiyak ako nang umiyak para lamang payagan niya," kwento ng batang artista na nakikita rin sa mga print ads ng ilang beauty products.
Katulad ng mga kaedad niya, mayroon na ring crush si Angelene at ito ay ang international teen star na si Billy Crawford.
Marami ang umaasam na sana ay magtuluy-tuloy na siya ngayon. Kasali siya sa Klasmeyts.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















