Angelika's first grown up role
March 3, 2002 | 12:00am
Sa unang pagkakataon gumanap si Angelika dela Cruz ng kanyang first grown up role sa Hari Ng Selda ng Viva Films opposite Robin Padilla. Hindi lamang siya napasabak sa hard action, nagkaroon pa rin siya ng lovescenes with her leading man. Dahil sa nerbiyos, napaiyak siya matapos kunan ang mga nasabing eksena.
"Masarap siyang ka-trabaho. Napaka-maasikaso niya hindi lamang sa akin kundi maging sa lahat ng ka-trabaho namin. Bago kinunan ang eksena namin ay talagang ipinaliwanag niya kung ano ang mga dapat kong asahan," ani Angelika tungkol kay Robin.
Ang Hari Ng Selda ang kauna-unahang movie ni Angelika sa pinirmahan niyang six exclusive picture contract sa Viva. Ang pelikula ay kinunan sa loob ng Muntinlupa at madalas dun na siya nagpapalipas ng gabi sapagkat lubhang malayo ang kanyang bahay.
Hindi ba siya natakot?
"Hindi, exciting nga. Marami akong natutunan sa mga preso. Ang dami nilang kwento, talagang maiintindihan mo kung bakit sila nagsisisi sa ginawa nila," anang batang aktres na ang susunod na pelikula ay Stupid Love kasama si Andrew E.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















