^

PSN Showbiz

Isabel, may bagong boyfriend

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Balitang P3M ang ibinayad kay Isabel Granada sa pagiging commercial model ng Tanduay Rhum. At bukod sa magandang TF ay may inspirasyon daw ngayon ang seksing aktres sa katauhan ni Jericho Aguas na isang guwapong ramp model na kapareha niya sa said commercial.

Maraming nagsasabi na bagay ang dalawa at tipong in-love ang guy kay Isa. Kunsabagay handa namang pumasok sa bagong relasyon ang dalaga matapos maka-recover sa paghihiwalay nila ng dating boyfriend

Piolo, ayaw nang pakawalan ng Dos Matapos tumabo sa takilya ang Bakit Di Totohanin ay ayaw nang ipahiram ng Star Cinema si Piolo Pascual. Balak kasi siyang kunin ng isang kompanya pero may nakapagsabi na exclusive muna ito sa Dos. Balita ring 1 milyon na ang kanyang talent fee.

Baka gumawa ng pang-Valentine movie si Piolo at Judy Ann Santos.

Hanna, patok sa Canada Nakarating sa akin ang balita na patok ang series of shows ni Hanna Villame sa Canada kasama ang kanyang amang si Yoyoy. Hinangaan sila nang husto nang magtanghal sa University of Toronto noong September 23. Babalik sila ng Pilipinas para makapagpahinga sandali. Tutungo naman sila ng Australia para mag-show sa Melbourne ngayong Nobyembre. Malaki na rin ang naiipon ng magandang singer kaya marami na rin siyang investment.

Pero malabo pa rin na lumagay siya sa tahimik dahil higit na gumaganda ngayon ang kanyang singing career. Naging gold na rin ang kanyang carrier single na pinamagatang "Ako Ba O Siya."

Raymond, enjoy sa buhay may-asawa Nagkakwentuhan kami ni Raymond Bagatsing sa dressing room ng StarTalk at kinumusta ko ang kanyang buhay may-asawa. "Tita Emy, I’m very happy dahil stable na ang buhay ko at mayroon akong peace of mind dahil kapiling ko na ang babaeng kakasamahin ko habang buhay. Very loving si Lara (Fabregas) at ipinagluluto niya ako ng mga paborito kong pagkain at maasikaso siya," aniya.

Inamin niya na wala pa silang planong magkaanak dahil gusto nilang ma-enjoy muna ang pagsasama bilang mag-asawa.

Nagtayo ang mag-asawa ng entertainment production na tinawag nilang Act. Unang project nila ang "Search for Manhunt". Gusto ring ipagpatuloy ng actor ang pagiging ballet dancer dahil umaaasa siyang maging bahagi ng Ballet Philippines.

Naikuwento rin ni Raymond na noong una pa lang silang magkita ni Lara sa birthday nito (June 7) noong nakaraang taon ay naramdaman niyang ito na ang babaeng pangarap niyang makasama habang buhay. "Pero after that ay hindi na kami nagkita at makalipas ang isang taon saka uli kami nagkita sa isang pagtitipon (June 5) at kinabukasan ay nag-date kami hanggang June 7 this year na kaarawan niya. Hindi ko na siya tinantanan at tinatawagan ko araw-araw sa phone, tini-text ko at niligawan. After two weeks ay nagpakasal kami. Compatible kami sa maraming bagay kaya alam kong magiging maganda at matatag ang aming pagsasama habang buhay," ani Raymond.

Natutuwa si Raymond dahil sunud-sunod ang mga pelikula niyang ipalalabas gaya ng Marital Rape, Huwag Kang Kikibo at may gagawin siyang pang film festival under Solar Films titled Lahi Sa Lahi, Dugo Sa Dugo.

Osang, Makakasama ang The Hunks sa Tate Para kay Rosanna Roces naiiba ang pelikulang La Vida Rosa dahil hindi naman ito masasabing bold kundi mas subtle kaysa sa Curacha at ang Babae sa Bintana. Isa lang ang matinding lovescene nila ni Diether Ocampo kung saan nagkaroon siya ng breast exposure.

Pinabulaanan din niya ang balitang nilait niya ang acting ni Diet.

Memorable kay Osang ang pelikula dahil nagkaroon siya ng depresyon habang ginagawa ang pelikula. Una, nagkahiwalay sila ni Aiai delas Alas bilang magkaibigan at pansamantala silang nagkahiwalay noon ni Tito Molina.

Pagkatapos ng La Vida Rosa ay hindi muna siya gagawa ng pelikula dahil gusto na niyang magbuntis at kinukunsidera nilang mag-asawa ang invitro fertilization. Gusto niyang magkaroon ng baby sa bahay para masaya dahil malalaki na rin ang kanyang dalawang anak. Twelve years old na si Grace at eleven naman si Onyok.

Sa huling linggo ng Oktubre ay tutungong Amerika si Osang kasama ang The Hunks para sa tatlong shows sa San Francisco, Las Vegas at Los Angeles.

Sinabi rin ng aktres na malaki na ang kanyang ipinagbago ngayon at nabawasan na ang pagiging mainitin ng ulo.

KC, dapat mag-aral ng Tagalog Nakausap ko si KC Montero sa Master Showman at tinanong kung ano ang pamagat ng TV show na pinu-promote niya. Hindi niya masabi ang Sa Dako Pa Roon at kailangang ulit-ulitin sa kanya ang pamagat. Nahihirapan siyang bigkasin ang mga salita.

Siguro kailangan na niyang mag-aral ng Tagalog para magkaroon ng pagkakataong lumabas sa pelikula. Hanggang TV na lang ang aktor kung saan Ingles pa rin ang ginagamit na wika. Makatutulong ang pagbabasa ng Tagalog komiks at iba pa.

Nagtitili ang ina ng sikat na young actress dahil sa inggit Kontrobersyal ang ina ng sikat na aktres na ito dahil nakikialam sa career ng anak. Ang anak nito ang siyang pambato ng isang major company matapos magpalit ng image.

Kinuha ngayon ang isa ring sikat na aktres at gagawin ding pambato ng kompanya kung saan maraming nakalinyang proyekto katambal ang malalaking leading men.

Nang malaman ito ng madir ng sikat na aktres ay nagtitili ito ayon sa aking source at nag-dialogue ng "Bakit si – ang bibigyan ng suporta at bakit hindi ang aking anak," aniya.

Sexy actress ang anak ng controversial na ina.

vuukle comment

AKO BA O SIYA

BAKIT DI TOTOHANIN

BALLET PHILIPPINES

DAHIL

LA VIDA ROSA

NIYA

OSANG

RAYMOND

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with