Andrea, nagsalita sa naudlot na guesting ng Sex Bomb!

Ipinagdiriwang ng Viva Hot Babes ang kanilang ika-tatlumpu’t tatlong anibersaryo ngayong taon. Kinabibilangan ang orihinal na grupo nina Andrea del Rosario, Maui Taylor, Jen Rosendahl, Gwen Garci, Myles Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera, Sheree Bautista, at Katya Santos.
Bilang selebrasyon ay gaganapin ang Viva Hot Babes Bulaklak concert sa October 23 sa New Frontier Theater. Inimbitahan umano ng Viva Hot Babes para sa nalalapit na concert ang Sex Bomb Dancers. “We did invite them and they did invite us actually the first time (na nag-concert ang Sex Bomb). Tinawagan ako ni Sheree one time, ‘Andrea, Rochelle (Pangilinan) called, gusto niya tayong mag-guest.’ Sabi niyang gano’n. We really admire them dahil alam namin ‘yung story nila how they started. Hindi lampasan (ang Sex Bomb concert). I don’t know how true, pero ‘yon ang sinabi niya. Then busy, hindi mabuo, gusto nila complete, naiintindihan ko naman sila. And for us, we would like to be complete also. Hindi lang natuloy,” pagtatapat sa amin ni Andrea sa Fast Talk with Boy Abunda.
Masayang inalala ng aktres kung paano siya napabilang sa naturang grupo ng Viva.
Sumikat nang husto si Andrea dahil sa kabi-kabilang proyektong nagawa sa bakuran ng ABS-CBN bago pa naging miyembro ng Viva Hot Babes. “I came from the other network. I was part of Star Magic, batch 3 (ng Star Circle), sina Piolo (Pascual). Tapos nakausap ko sina Boss Vic (del Rosario). I moved to them. Then ni-launch nila ako sa Lupe. Then sabi niya, ‘You’re gonna be part of a group.’ So parang kami na ‘yung mas matagal sa industry. Then nilagyan ng mga models,” pagbabahagi niya.
Madalas umanong nahahawakan ang pribadong bahagi ng kanilang mga katawan noon ayon kay Andrea. Kapwa-babae pa raw ang palaging gumagawa sa kanila nang ganito kapag mayroong mga provincial shows. “Gigil na gigil pa back then kasi wala pang social media. So hahablutin ka, hahawakan ka,” kwento ng aktres.
Tinaguriang Big 3 ng Viva Hot Babes sina Andrea, Maui, at Katya.
Masayang-masaya si Andrea dahil aktibo pa rin silang tatlo sa show business hanggang ngayon. “Sa akin hindi naman tinatawag na Big 3, na kami ‘yung pinakasikat. Maybe because of seniority. I’ve been in the business since 1991. I started in 1991 in Channel 9, then ABS-CBN. When I look back, Wow! Ang tagal na natin, pero we’re still here. I’m so happy,” nakangiting pahayag ng dating sexy actress.
Kahit nagpaseksi noon ay napanatili namang maayos ng bawat miyembro ng Viva Hot Babes ang kanya-kanyang reputasyon. “We worked hard naman somehow to reinvent ourselves. Nag-aral kaming lahat kahit paano. So kahit naman gano’n ‘yung image namin, sa mga personal lives naman namin, we try to somehow protect our… (image),” giit niya.
Matatandaang naugnay rin noon si Andrea sa Hollywood actor na si Vin Diesel. “Well, walang kamatayang news naman, na-meet ko si Vin Diesel. Hindi nanligaw, sumasagot naman sa e-mail, e-mail pa no’n,” natatawang kwento ng aktres.
Samantala, napabalitang umalma daw ang Viva Hot Babes nang gamitin ang Hot Babes ng mga bagong sexy actress ng Viva ngayon. Mula sa pagiging VMX Hot Babes ay napalitan na ito ng VMX Babes. “Na-raise ‘yung topic kasi parang may usap-usapan na gano’n. We have nothing against it, it’s just that siyempre malapit sa puso namin ‘yung name na ‘yon. That we actually asked the management if we could keep it. Kasi we’ve been identified to that name for years,” pagtatapos ni Andrea. — Reports from JCC
- Latest
























