^

PSN Showbiz

Carlos, dedma na sa mga magulang!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Carlos, dedma na sa mga magulang!
Carlos Yulo

Sa halip na gumawa ng paraan si Carlos Yulo na magkaayos sila ng kanyang parents ay lalo lamang niyang inilalayo ang kanyang sarili sa mga ito.

Milyones ang perang nakuha ni Carlos nang siya’y makapag-uwi ng double gold sa 2024 Summer Olympics na ginanap sa Paris, France in August 2026, pero hindi umano nito binagihanan ang kanyang mga magulang.

While Carlos is Philippine’s pride sa pag-uwi nito ng mga parangal sa Pilipinas, marami naman ang kumukuwestiyon sa kanyang pagi­ging anak.

Nagsimula ang relasyon ni Carlos sa kanyang longtime partner na si Chloe San Jose back in 2020 na mas pinaboran niya over his pa­rents.

Hindi marahil alam ni Carlos na puwede siyang magpalit ng girlfriend, partner o asawa, pero hindi kailanman mapapalitan ang isang magulang.

At ngayong ikakasal na diumano sila, wala man lang silang balak imbitahin ang mga magulang ni Carlos.

Harry at Meghan, sa labas nang London nakatira

Nakakalimutan ng marami na ang Britain’s Royal Family ay mga tao rin na nagkakamali at nakakagawa ng mga desisyon na hindi lamang nakakasira sa kanila kundi ito’y  pinag-uusapan sa buong mundo.

Ang desisyon noon ng mag-asawang Prince Harry at Meghan Markle na bumababa at tumalikod sa kanilang royal duties nung January 2020 ay siyang nagpasimula ng tension sa monarchy na pinamumunuan ngayon ng ama nina Prince William at Prince Harry na si King Charles III.

Nag-relocate ang royal couple sa kanilang biniling property sa Montecito, Santa Barbara, California, USA na naging tahanan nila sa loob nang mahigit anim na taon. Doon na lumaki ang kanilang panganay na anak na si Prince Archie (7) at doon na rin ipinanganak ang kanilang pangalawa at bunsong anak na si Princess Lilibet.

It was only last month, August 26, 2026 nang magdesisyong bumalik ng London ang royal couple para makipag-ayos sa ama ni Prince Harry na si King Charles III maging sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William at asawa nitong si Princess Catherine. Pero sa halip na mangyari ito ay binigla ni King Charles III hindi lamang ang bumbuuo ng royal family kundi maging ang Britanya at buong mundo sa ‘guidance letter’ ng hari pagdating sa mag-asawa na nakatira ngayon sa labas ng London.

Habang nananatili ang kanilang titulo bilang Duke at Duchess of Sussex, hindi na umano sila kailangang gamitan ng His/Her Royal Highness tulad ng dati  at mananatili na silang private citizens.

Hindi na rin sila entitled sa ibang `perks’ ng isang royal family member maging ang kanilang security ay hindi na sakop ng Palasyo.

Hindi rin sila imbitado sa iba’t ibang royal functions including charity projects na suportado ng Palasyo.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with