Assunta, bubuksan ang Star City
September 9, 2001 | 12:00am
Ang sexy star na si Assunta de Rossi ang siyang puputol ng ribbon bilang tanda ng pagbubukas ng 2001 Christmas Season ng Star City na magsisimula sa Sabado, Setyembre 15, sa ganap na 5:30 ng hapon. Si Assunta ay sasamahan ng presidente ng Star City na si Atty. Hadrian Arroyo.
Sa taong ito, may mga bago na namang rides na magsisimula sa Star City. Kararating lamang mula sa abroad ng Titanic Slide, Soft Play Classic at ng Snow White, pawang mga larong pambata.
Bubuksan na rin ang Jurrasic Ice World, tampok ang mga naglalakihang dinosaurs na nakaukit sa yelo. May bago ring dalawa pang walk through attractions, ang Wild Wild West, at The Mummy.
Malapit na ring magsimula sa Star City ang pinakabagong attraction sa park, iyong Circus de Ballet. Tapok diyan ang mga jugglers at acrobats mula sa abroad, mga mahuhusay na magicians at sirkero, at makakasama nila ang mga mahuhusay na dancers ng ballet para malikha ang isang kakaibang show na siguradong kagigiliwan ng mga bata. Iyan ay ilalagay sa katatapos lamang na theater sa loob mismo ng Star City kung saan maaaring manood nang sabay-sabay ang walong daang tao.
Sa taong ito, sinisiguro ng Star City na mas higit na kasiyahan ang matatamo ng mga mamamasyal doon. Bukod diyan, malamang na makakasalubong pa ninyo ang inyong mga favorite stars sa telebisyon at pelikula sa kanilang pamamasyal sa Star City. Kaya nga sinisiguro nilang sulit ang inyong magiging pamamasyal araw-araw, simula Setyembre 15, 2001 hanggang Enero 27, 2002.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















