^

PSN Showbiz

Anyone wants to be a billionaire?

- Kuya Germs -
Dahil sa public demand, nag-desisyon ang Trumphet Production na i-extend ang The Little Mermaid ng three weekends. Of course, maraming hindi nakapanood lalo na kay KC Concepcion, kaya maraming nagri-request na ‘wag munang tapusin ang palabas. Hindi naman sila binigo ng producer ng musical play.

Sana nga, ito na ang magpasimula ng pagbabalik-sigla ng entablado tulad noon na gabi-gabi ay may musical play.

Pero siyempre, iba ang budget noon at ngayon. Kasi noon hindi ganoon kaganda ang set. Ngayon makikita mong talagang ginagastusan.

Nais kong i-congratulate ang Trumphet at si KC of course na nagbigay ng bagong sigla sa entablado.
* * *
Ngayong hit na hit sa buong bayan ang Who Wants To Be A Millionaire hosted by Christopher de Leon, nabalitaan kong nag-iisip na rin ang ABS CBN 2 at GMA 7 ng programang puwedeng itapat dito. Syempre, kailangan nga naman nilang sumunod sa uso. Ito ngayon ang kinababaliwan ng tao dahil bukod sa nagi-enjoy na sila, may pagkakataon pa silang manalo ng hanggang P2 M. Kung hindi ka man umabot sa ganoong halaga, kahit paano mananalo ka naman ng kahit P10,000 o P50,000. Tapos may pagkakataon ka pang mapanood sa TV. Besides, saan ka nga naman basta-basta makakakuha ng ganoong halaga samantalang ‘yung mga tanong naman ay ordinaryo lang. May mga pagkakataon na mag-iisip ka, pero may tutulong naman sa ‘yo.

Sa aking sariling pananaw, hindi puwedeng tapatan ang Who Wants To Be A Millionaire. Ito ang original. Pero kung ang show na gagawin ng GMA o ABS-CBN ay Who Wants To Be A Billionaire, ibang usapan na ‘yan. Kung bilyon ang io-offer nila sa mga sasali, baka sakaling malampasan nila ang Who Wants To Be A Millionaire.
* * *
Sana nga maging successful ang Banyo Queen nina Rica Peralejo at Andrew E. Pero ang problema lang oras na kumita ang pelikula, sino ang magiging Banyo King? Puwede si Andrew, pero tayong mga Pilipino ay nagi-expect na dapat matipuno, matangkad, maputi at malakas ang appeal ng Banyo King.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi magandang lalaki si Andrew, pero hindi matinee idol ang dating niya, at aminado naman siya dito.

Si Rica ay bagay sa title na Banyo Queen. Kasi pala tatlong oras talaga siya kung maligo. Ano kayang ginagawa at ganoon siya katagal sa banyo?
* * *
Marami pa rin ang pumunta ng istudyo kagabi para panoorin ng live ang Master Showman Presents. Hindi naman kami pare-parehong nanibago dahil sanay naman kami sa luma naming istudyo. Marami na kaming nagawang mga shows dito at, awa naman ng Diyos, ay naging matagumpay lahat. Gaya ng GMA Supershow, That’s Entertainment at ngayon, itong Master Showman Presents. Kung tutuusin nga, maswerte sa akin ang istudyo ng old GMA. Naniniwala ako na dala-dala pa rin ng lugar ang swerteng ito na maibibigay niya sa Master Showman. Hindi ko ibig sabihin na hindi swerte ang show. On the contrary, matagumpay ito. Sa kabila ng pangyayaring tulog na pati ang mga anghel sa time slot nito, but we were able to prove na marami pa rin kaming tagasubaybay, in addition to the fact na marami pa rin ang manonood sa ganitong oras. Katunayan, marami ang nagsabi sa akin na ang primetime ng TV ay na-extend na sa ganitong oras. Dati ako lamang at ang mga religious shows ang napapanood sa ganitong disoras ng gabi pero, ngayon, kasama ko na rin si Martin Nievera. Sino pa kaya ang susunod?

ANDREW E

BANYO KING

BANYO QUEEN

MASTER SHOWMAN PRESENTS

NAMAN

PERO

WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with