^

PSN Showbiz

Rommel, mapasikat kaya ni Ronnie?

DERETSAHAN - Arthur Quinto -
Bago nagtungong Real, Quezon si Aya Medel noong Linggo para sa bago niyang pelikula, Sukdulan, kasama sina Allen Dizon at Martin Gonzalo, nakausap ko siya sa isang dinner date kasama si Roldan Castro. Kasama ni Aya nang gabing iyon ang bago niyang boyfriend na saka na lang daw niya ipasusulat. "Ayoko kasing napi-play-up yung lovelife ko, eh. Para sa akin it’s private. Basta ngayon, masaya ako sa buhay ko sa piling ng boyfriend ko. Nakatira siya sa kanilang sariling bahay. Nakatira ako sa isang condo sa Greenhills. Hindi kami live-in gaya ng dati kong boyfriend."

Gusto na niya talagang kalimutan si Vinci Abesamis. Ni hindi nga niya mabanggit ang pangalan nito ngayon. Pagkatapos ni Vinci, nagkaroon siya ng isang ardent suitor, isang Chinese businessman, binata. "Pero hindi ko siya naging boyfriend," paglilinaw ni Aya. "Constant date lang. Mabait siya, generous. Pero nakilala ko nga itong new boyfriend ko sa birthday party ng isang reporter, at ‘yon na. Pag may boyfriend na ako, siya lang talaga. Hindi na ako nagi-entertain ng iba. Hindi ako two-timer."

Sa bago niyang pelikula directed by Boy San Agustin, natuklasan naming second choice lang siya rito. Originally, kay Nini Jacinto ito. Hindi nga lang daw makita si Nini sa first shooting day sa Tierra Pura. Nagdesisyon ang produ na humanap agad ng kapalit, isang boldstar na bankable. Kumita yung Venus kamakailan at si Aya ay tinawagan agad. "Walang sinasabi sa akin ang producer na second choice lang ako," sabi ng Bicolana actress na kilala bilang Papaya Queen. "Pero okey lang kahit hindi ako ang first choice. Ang dami ko rin namang karanasan na ako ang first choice, kaya lang, inayawan ko. Gaya sa Paraiso ni Efren at Live Show. Yung mga roles nina Ynez Veneracion at Hazel Espinosa sa akin unang inalok yon. I don’t mind being second choice. Ang importante, sa akin napunta yung movie. Ako yung gumanap na leading lady."

Tuwang-tuwa si Aya dahil kumita nga yung Venus niya. Mas malakas pa sa nakasabay na Cool Dudes na ginastahan ang promotion. "Siguro, right timing lang yung pagpapalabas ng movie ko. Kasi, di ba, kinuwestyon yon ng MTRCB. Hindi agad naipalabas. Pero sabi nga nila, kahit ganun lang yung Venus, kumita yon. Ibig sabihin siguro, mabango pa rin ang pangalan ko bilang actress."

Sa Sukdulan katulong ang role ni Aya. Amo niya si Dexter Doria na anak si Martin Gonzalo. Magkakaroon sila ng relasyon. Makikilala niya si Allen, na pari ang ginagampanan. "Siguro, si Allen ang actor na ang daming beses ko nang nakasama sa pelikula. Hindi ko na mabilang, kasama na yung mga ginawa namin sa Regal." Noon, nabalitang nagkaroon sila ng relasyon ni Allen, bagay na itinatanggi niya. "Hindi totoo ‘yon!" diin niya. "Puwede ba kay tito Jojo (Veloso) na nagkakatalo yung mga alaga niya? Magkapatid lang talaga ang turingan namin ni Allen sa isa’t isa. Relaks lang kami talaga sa isa’t isa sa love scenes. Panatag ang loob ko pag siya ang ka-love scene ko."

Bale limang taon na sa showbis si Aya. Ang mga pelikulang Sisa, Babae sa Bubungang Lata at Molata ang mga itinatangi niyang pelikula. Kasama rin yung Padre-Kalibre, dagdag niya, "Dahil na-nominate ako for best actress sa Manila Film Festival."

Tuluy-tuloy na sana ang katanyagan niya noon kung hindi nga lang siya naaksidente noong Agosto 28, 1999. "So far, ‘yon talaga ang karanasan ko sa buhay na hindi ko malilimutan. Ikalawang buhay ko na ito ngayon."

Bilang breadwinner, patuloy pa rin na tinutulungan ni Aya ang nanay niya at mga kapatid sa ina na nakatira sa Bicol. Napagawa at napalaki na niya ang bahay sa probinsiya. Yung restaurant niyang ipapatayo roon ay malayo pang matuloy. Kahit yung coffee internet na balak niyang pasukin. Kamakailan, bumili siya ng taxi at ipinapasada niya sa uncle niya. "Syempre, gusto ko ring mag-business para pag wala na ako sa showbiz o pag konti na lang ang offers, meron akong masasan-dalan. Pero hangga’t maaari, gusto kong magtagal sa showbis. Gusto kong makagawa ng mga pelikulang maipagmamalaki, kasama na roon yung acting ko."
* * *
Base sa trailer ng Mano Mano 2, kitang-kita ang intensity ng acting ni Rommel Montano. May mga nag-iisip na baka masapawan ni Rommel si Ronnie Ricketts sa pelikulang ito. Pero ang importante kay Ricketts, si Rommel ang kinuha niya rito. "Actually, tatlo silang pinagpilian ko," sabi ni Ronnie. "Isa nga rito si David Bunevaczs, kaya lang, nang makita ko nga si Rommel bago i-shoot ko itong Mano Mano 2, na-impress ako sa laki ng katawan niya. Bagay sa pelikula kong gagawin. Sabi ko nga kay Rommel, i-maintain mo yang physique mong yan, isasama kita sa gagawin kong movie na ako ang magdidirek."

Ayon kay Ricketts, mahilig siyang mag-build-up ng kontrabida sa pelikula. "Nung Mano Mano 1, si Ricardo Cepeda ang ginawa kong kontra. After that, madalas na siyang makuhang villain sa mga action films. Happy ako kapag nakakatulong ako sa career ng isang artista."

May nagsasabing ang ilang eksena sa Mano Mano 2 ay kopya sa Fight Club na ginampanan nina Brad Pitt at Edward Norton. "I don’t think so," sabi ni Ronnie. "Kasi, two years ago ko pa kinonsepto itong fighting scenes sa pelikula ko. Last year lang ipinalabas yung Fight Club. Siguro, in a way, may konting hawig yung ibang eksena pero posibleng nagkataon lang yon."

Wala bang plano si Ronnie na gumawa ng pelikula na magdidirek lang siya at hindi siya ang leading man? "Malapit na," sabi niya. "Kinausap ako ng Viva to direct Mark Anthony Fernandez for a drama-action movie. Feeling ni Boss Vic I can make something to help Mark’s career as an action star. Challenge sa akin yan at naniniwala ako sa kakayahan ni Mark bilang young action star. For a change, gusto ko namang masubukan yung hindi ako lalabas, magdidirek lang."

vuukle comment

AKO

AYA

LANG

MANO MANO

NIYA

PERO

SIYA

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with