^

PSN Showbiz

Musikero ang nakabuntis kay Priscilla

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa aming source na malapit kay Priscilla Almeda ay apat na buwan nang buntis ang aktres at maligaya sa piling ng lalaking nakabuntis sa kanya na isa ring Pinoy. Isa itong musikero pero kapag walang tugtog ay nagtatrabaho rin bilang waiter sa New York. Hindi masyadong mayaman ang lalaki pero talagang minamahal siya ng aktres.

Ayaw na ni Priscilla na maghubad sa pelikula kapag nagbalik na sa bansa. Mula nang makita nito ang kanyang tunay na ina ay nag-iba na ang kanyang pananaw sa buhay. Ayaw niyang mapanood siya ng mahal sa buhay na nagbo-bold sa pelikula.
Manny P., Naka-take 4 sa kissing scene
Sa mini-presscon na ipinatawag ng MMG Films para sa Basagan ng Mukha ay aliw na aliw ang mga press people kay Manny Pacquiao dahil sa pagiging prangka nito. Sabi rin ni Direk Kaka Balagtas ay in-born ang pagiging komedyante nito. Isa sa mga naitanong dito ay tungkol sa lovescene nila ni Barbara Milano na leading lady ng boksingero. "Naka-take 4 ako sa aming kissing scene dahil ninerbyos ako. Mabuti na lang at wala si misis dahil naiwan ito sa Maynila para bantayan ang anak namin. May bed scene rin kami ni Barbara pero hindi naman yong pang-bold movie. Masaya kami sa set dahil lahat kami ay parang magkakapatid," ani Manny.

Isang boxer sa movie si Manny at karatista naman si Ronald Gan Ledesma na isang NBI agent. Maganda ang chemistry nila ng boksingero kaya baka masundan pa itong movie. Umalis noong Lunes si Manny patungong US para magsanay sa nalalapit na paglalaban nila ng Mexicanong boxer na si Agapito Sanchez para sa korona ng WBO. Ang concentration niya ay nasa pagboboksing dahil gusto niyang manalo muli para mabigyan ng karangalan ang Pilipinas.

Ano ang ginagawa mong preparasyon bago ang laban? "Matinding disiplina sa katawan ang ginagawa ko. Nagpapa-pray over ako sa mga madre dahil mas malakas itong mapapakinggan ni Lord para makuha ko ang korona. Nagdarasal din ako. Pagkatapos ng laban ay uuwi agad ako ng Pilipinas para tumulong sa promosyon ng Basagan ng Mukha," pahayag niya.

Bata pa si Manny ay hilig na niyang maging boksingero at maging world champion. Paborito niya si Gerry Peñalosa bilang boksingerong Pinoy. Mahal niya ang showbiz dahil naging pangarap din niyang maging artista kaya magtutulu-tuloy din siya sa paglabas sa pelikula at telebisyon. Hindi siya nakapagtapos ng high school pero gusto niyang ipagpatuloy ang pag-aaral sa pamamagitan ng DECS Home Study. Bagamat hindi nakapagtapos ng high school ay natamo naman niya ang malaking tagumpay na ibabahagi niya sa mga kababayan. Pangarap niyang makapagpatayo ng Sports Foundation at tumulong sa mga kabataang mahilig sa sports sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng scholarship.
Ronald-Beth, Magtatambal
Sa unang pagkakataon ay magkakapareha sina Ronald Gan at Beth Tamayo sa Basagan ng Mukha. Noon pa ay crush na ng aktor ang magandang aktres at balak niyang ligawan noon kaya lang nahiya siya dahil sikat si Beth samantalang nagsisimula pa lang siyang gumawa ng malaking pangalan. Ngayon naman ay kapwa maligaya sila sa kanilang lovelife. Enjoy sa syuting ang dalawa at maganda ang kanilang working relationship.

Sinabi ng magandang aktres na noong una niyang makasama sa Japino si Ronald ay mahiyain pa ito at nahihiya siyang kausapin pero ngayon ay mapagbiro na ang action star. "Very gentlemanly ito at totoo ang sinasabi nilang napakabait at maasikaso pa," sey ni Beth.

Bukod sa Basagan... ay may gagawing movie ang dalawa. Nakalinya na ang Talamak kung saan kapareha naman ng action star si Glydel Mercado. Kasama naman si Beth sa Bay Angels na prodyus ng True Colors Fims.
Daisy, abala sa paglalabada
Inamin ni Daisy Reyes na dating labandera ang kanyang ina at hindi niya ito ikinahihiya. Katunayan ay type rin niyang maglaba kaya ang kanyang negosyo ay nauukol din dito.

Mayroon na naman siyang isang franchise ng Mr. Wash na pag-aari nila ni Robert Duat. Kahit hectic ang kanyang schedule ay may time pa rin siya sa negosyo kung saan siya ang humahakot ng mga uniporme ng San Miguel team para labhan sa kanyang laundry shop.

Siya rin ang naghahatid ng mga labahin sakay ng kanyang bagong biling Expedition.

Magiging abala si Daisy sa promosyon ng Parehas ang Laban katambal si Ian Veneracion under Solar Films.
Aiko-Jomari, nag-date
Mukhang may pag-asa nga na magkakabalikan pa sina Jomari Yllana at Aiko Melendez dahil noong nakaraang first wedding anniversary nila ay tinawagan ng aktor ang ex-wife sa telepono para batiin. Hindi inaasahan ni Aiko na pupunta rin pala sa bahay niya ang aktor para yayain siyang kumain sa labas. Nag-dinner ang dalawa bilang selebrasyon ng kanilang anibersaryo.

Nagda-diet ngayon si Aiko at dahil sa labis na pagpupuyat ay nanghina siya at bumaba ang blood pressure.

BASAGAN

CENTER

DAHIL

MUKHA

NIYA

NIYANG

PARA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with