^

PSN Showbiz

Bakit umiyak-iyak si Yda ?

-
Nagulat ang mga dumalong press people sa presscon ng Haplos nang ang bidang babae na si Yda Manzano ay bigla na lamang umiyak. Maging ang producer ng movie na si Jojo Galang ay nagulat sa hindi inaasahang pag-iyak ni Yda. Sabi nga tila yata wala sa script yung pag-iyak ng kanyang leading lady.

Si Yda rin ang nagpaliwanag sa kanyang ginawa. Bigla palang naalaala niya, yung mga kalungkutang naranasan noong wala pang nakakapansin sa kanya. May nagbigay nga raw ng kontrata sa kanya pero, halos ipapasan naman sa kanya ang daigdig, dahil wala siyang kinikita. Kapag may mga nag-aalok sa labas, ayaw naman siyang payagan. Sa bandang huli, saka lang daw niya nalaman na pinababayaran sa kanya ng thirty thousand yung hinihingi niyang kalayaan. Wala pa naman daw siyang kapera-pera noon. Mabuti na lang, dumating si Jojo Galang sa buhay niya at binigyan ng pambayad sa kontrata, makalaya lang. Saka siya binigyan ng movie, ang Haplos na dinirek ni Boy Vinarao. Masaya na si Yda, malaya na niyang puntahan at tanggapin ang mga iniaalok sa kanya. Ginastusan din ng libu-libo ang promo ng Haplos na naka-apat ng presscon pa.

vuukle comment

BIGLA

BOY VINARAO

GINASTUSAN

HAPLOS

JOJO GALANG

KAPAG

MASAYA

SI YDA

YDA

YDA MANZANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with