Dingdong/Jessa wedding, titipirin?
January 16, 2001 | 12:00am
May nakarating sa aking balita na simple lang ang magiging kasal nina Konsehal Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza. Katunayan ay magkahati pa raw sa gagastusin ang dalawa. Hindi aabot sa kalahating milyon ang gastos dahil praktikal silang dalawa.
Kaya naman nilang magpabongga dahil si Dingdong ang lalaki at nanggaling naman siya sa mayamang pamilya, pero si Jessa ang may gusto na gawing simple na lang ang kasal. Hindi siya mahilig sa magarbong wedding gaya ng kina Cesar Montano-Sunshine Cruz o Jessica Rodriguez at David Bunevacz.
Naintindihan ng singer-actress na malaking gastusin ang kanilang kakaharapin dahil kakandidato uli si Dingdong sa darating na eleksyon. Baka pumasok na rin sa pulitika si Jessa kaya kailangan din ng malaking pera.
Nainterbyu ko ang wedding specialist na si Nona Castillejos Clemente ng C & C Creative Concepts kung saan ka-partner din sa business ang dalawa pang kapatid niyang nakababata na sina Malou at Ada Castillejos. Bagamat nagtapos siya ng Electronics Engineering sa UE ay ipinagpatuloy na lang ang negosyo ng kanilang inang si Daisy tungkol sa paggawa ng wedding gown.
Ayon kay Nona wala nang sakit nang ulo ang magpapakasal dahil naka-package na ang lahat nang gagamitin sa kasal mula sa damit na isusuot ng bride at ang entourage nito kasama ang giveaways at bridal accessories na affordable ang presyo. Less than 50,000 ang magagastos mula sa simpleng kasal hanggang sa bongga at kumpletong wedding na umaabot mula 200,000 to 500,000 kasama na ang lahat gaya ng video, photo, catering, venue, bridal gown at buong entourage, giveaways, etc. Mga anak ng pulitiko ang customer nila sa magagarang kasal. Sa ganitong paraan ay wala nang iisipin pa ang mga ikakasal.
Ang C & C Creative Concepts ay ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Bridal Association.
Nakakwentuhan ko si Gladys Reyes at tinanong ko kung ano ang magandang katangian ng nobyong si Christopher Roxas kaya ayaw na niyang maulit pa ang kanilang paghihiwalay. Kung siya ang masusunod ay gusto nitong sila na ang magkatuluyan sa tunay na buhay. "Alam mo Tita Emy, may kapatid akong autistic at mabait siya dito. Sila ang laging magkausap at magkalaro ng computer kapag dumadalaw si Chris sa bahay. Hindi niya nakakalimutan ang mahahalagang okasyon sa buhay nito at very thoughtful siya kaya mahal na mahal ng kapatid ko. Kaya noong magkahiwalay kami ay lagi niya itong tinatanong at noong malaman niyang nagkabalikan kami ay tuwang-tuwa siya. Kung naging mabait siya sa kapatid ko ay magiging mabait din siya sa pamilya sakaling mag-asawa na kami. Magalang siya sa magulang ko sapul at sapul kaya magiging mabuti rin siyang ama, di ba? Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko at sana ay kami na nga. Pero wala pa kaming balak magpakasal at mag-iipon muna kami," aniya.
Abala ngayon si Gladys sa promosyon ng Tabi-Tabi Po under FLT Films bukod pa sa pagiging mainstay ng Saan Ka Man Naroroon.
Kasama ni Gladys ang kanyang nobyo sa programang The Truth & Nothing But pero hindi guest kundi nasa audience lang ito. Nang marinig nito ang phoned-in question sa nobya ay nag-iba ang mukha nito na tipong naimbyerna sa tanong. "Kung sakaling magpakasal kayo hindi kaya ikaw (Gladys) ang tatayong breadwinner at hindi ang nobyo mo?" anang caller.
Alam namin kung bakit nainis si Chris dahil responsable itong tao at bihira ang nakakaalam na may negosyo ito kung saan bumibili siya ng lumang sasakyan, ipinaaayos niya at saka ibebenta uli. Nag-iipon ito ng pera dahil gusto ring magtayo pa ng motor shop o kaya’y coffee shop.
Kahit walang pelikula si Onemig Bondoc ay malakas pa rin ang kita nito bilang commercial model. Maraming dahilan kung bakit gusto siyang kuning endorser ng iba’t ibang produkto. Una ay ang pagkakaroon ng wholesome image at puwedeng maging role model ng mga kabataan. Maganda ang personalidad nito at maituturing na isa sa pinakaguwapong aktor sa kasalukuyan. Higit sa lahat matalino din ang aktor at may mga negosyo na ring naipundar.
Umamin sa isang kaibigan ang aktres na ito na may asawa na hirap siya ngayon sa buhay. May negosyo noon na garment ang sikat pa ring aktres. Bumibili siya ng damit sa ibang bansa, ipinare-repair niya ito dahil sobrang laki at pagkatapos ay ipinagbibili nila na parang surplus. Nagtayo rin siya ng isang coffee shop na kung saan ay kinukuha niya ang pang-araw araw na gastusin sa pamilya. Ayaw nang mag-ST ng aktres alang-alang sa kanyang mga anak. Gusto niyang lumabas na lang sa mga wholesome projects kaya lang wala namang offer.
Kahit may Starex siya ay nagpahayag siya na 1,000 lang ang laman ng kanilang savings account sa bangko. Pinaiikut-ikot lang nila ang kita sa kanilang negosyo. Umaasa nga siya na sana’y magkaroon siya ng mga projects para makapag-ipon ng pera at nang madagdagan naman ang laman ng bankbook.
Ang seksing aktres ay naging beauty queen noon at nagbida na rin sa mga pelikula. May foreigner siyang husband na dito na rin sa bansa naninirahan.
Kaya naman nilang magpabongga dahil si Dingdong ang lalaki at nanggaling naman siya sa mayamang pamilya, pero si Jessa ang may gusto na gawing simple na lang ang kasal. Hindi siya mahilig sa magarbong wedding gaya ng kina Cesar Montano-Sunshine Cruz o Jessica Rodriguez at David Bunevacz.
Naintindihan ng singer-actress na malaking gastusin ang kanilang kakaharapin dahil kakandidato uli si Dingdong sa darating na eleksyon. Baka pumasok na rin sa pulitika si Jessa kaya kailangan din ng malaking pera.
Ayon kay Nona wala nang sakit nang ulo ang magpapakasal dahil naka-package na ang lahat nang gagamitin sa kasal mula sa damit na isusuot ng bride at ang entourage nito kasama ang giveaways at bridal accessories na affordable ang presyo. Less than 50,000 ang magagastos mula sa simpleng kasal hanggang sa bongga at kumpletong wedding na umaabot mula 200,000 to 500,000 kasama na ang lahat gaya ng video, photo, catering, venue, bridal gown at buong entourage, giveaways, etc. Mga anak ng pulitiko ang customer nila sa magagarang kasal. Sa ganitong paraan ay wala nang iisipin pa ang mga ikakasal.
Ang C & C Creative Concepts ay ipinagmamalaking miyembro ng Philippine Bridal Association.
Nakakwentuhan ko si Gladys Reyes at tinanong ko kung ano ang magandang katangian ng nobyong si Christopher Roxas kaya ayaw na niyang maulit pa ang kanilang paghihiwalay. Kung siya ang masusunod ay gusto nitong sila na ang magkatuluyan sa tunay na buhay. "Alam mo Tita Emy, may kapatid akong autistic at mabait siya dito. Sila ang laging magkausap at magkalaro ng computer kapag dumadalaw si Chris sa bahay. Hindi niya nakakalimutan ang mahahalagang okasyon sa buhay nito at very thoughtful siya kaya mahal na mahal ng kapatid ko. Kaya noong magkahiwalay kami ay lagi niya itong tinatanong at noong malaman niyang nagkabalikan kami ay tuwang-tuwa siya. Kung naging mabait siya sa kapatid ko ay magiging mabait din siya sa pamilya sakaling mag-asawa na kami. Magalang siya sa magulang ko sapul at sapul kaya magiging mabuti rin siyang ama, di ba? Wala na akong mahihiling pa sa buhay ko at sana ay kami na nga. Pero wala pa kaming balak magpakasal at mag-iipon muna kami," aniya.
Abala ngayon si Gladys sa promosyon ng Tabi-Tabi Po under FLT Films bukod pa sa pagiging mainstay ng Saan Ka Man Naroroon.
Kasama ni Gladys ang kanyang nobyo sa programang The Truth & Nothing But pero hindi guest kundi nasa audience lang ito. Nang marinig nito ang phoned-in question sa nobya ay nag-iba ang mukha nito na tipong naimbyerna sa tanong. "Kung sakaling magpakasal kayo hindi kaya ikaw (Gladys) ang tatayong breadwinner at hindi ang nobyo mo?" anang caller.
Alam namin kung bakit nainis si Chris dahil responsable itong tao at bihira ang nakakaalam na may negosyo ito kung saan bumibili siya ng lumang sasakyan, ipinaaayos niya at saka ibebenta uli. Nag-iipon ito ng pera dahil gusto ring magtayo pa ng motor shop o kaya’y coffee shop.
Kahit walang pelikula si Onemig Bondoc ay malakas pa rin ang kita nito bilang commercial model. Maraming dahilan kung bakit gusto siyang kuning endorser ng iba’t ibang produkto. Una ay ang pagkakaroon ng wholesome image at puwedeng maging role model ng mga kabataan. Maganda ang personalidad nito at maituturing na isa sa pinakaguwapong aktor sa kasalukuyan. Higit sa lahat matalino din ang aktor at may mga negosyo na ring naipundar.
Kahit may Starex siya ay nagpahayag siya na 1,000 lang ang laman ng kanilang savings account sa bangko. Pinaiikut-ikot lang nila ang kita sa kanilang negosyo. Umaasa nga siya na sana’y magkaroon siya ng mga projects para makapag-ipon ng pera at nang madagdagan naman ang laman ng bankbook.
Ang seksing aktres ay naging beauty queen noon at nagbida na rin sa mga pelikula. May foreigner siyang husband na dito na rin sa bansa naninirahan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
June 25, 2026 - 12:00am























