^

PSN Showbiz

'Hindi na ako mag-aasawa' - Martin

-
Hindi pa nagbibigay ng official statement si Pops Fernandez matapos katigan ng korte ang annulment case na iniharap nila ni Martin Nievera sa Makati Regional Court sa sala ni Judge Leticia Morales. Si Martin ay nagsalita na kahapon sa TV Patrol at sinabi niyang hindi na siya muling mag-aasawa pagkatapos ng nasabing annulment.

Unang lumabas ang balita na annulled na ang marriage nina Martin and Pops sa Philippine Star (Funfare) kung saan nakausap ni Ricky Lo si Atty. Katrina Legarda, legal counsel ni Pops na siyang nagkumpirma ng balita. Naging basehan ni Atty. Morales ng kanyang desisyon ang psychological incapacity ng dating mag-asawa.

Bago pa man lumabas ang desisyon ng korte, balita nang nagpakasal si Martin sa Las Vegas sa babaeng sinasabing dahilan ng paghihiwalay nila ni Pops, si Katrina Ojeda. Samantalang si Pops ay na-link naman kina Aga Muhlach at Troy Montero.

Nakasaad sa desisyon ng korte na kailangan sustentuhan ni Martin ang dalawa niyang anak kay Pops, Robin and Ram na nasa poder ng aktres ngayon. Lumabas noon na simula nang maghiwalay ang mag-asawa, hindi nagbigay ng sustento si Martin. -- SVA

vuukle comment

AGA MUHLACH

JUDGE LETICIA MORALES

KATRINA LEGARDA

KATRINA OJEDA

LAS VEGAS

MAKATI REGIONAL COURT

MARTIN AND POPS

MARTIN NIEVERA

PHILIPPINE STAR

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with