^

Punto Mo

Laptop para sa guro, tulong sa edukasyon

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

Para sa akin, maganda naman ang naging hakbang ni BBM na mamahagi ng laptop sa mga guro. Sa panahon ngayon, malaking bagay talaga ang pagkakaroon ng laptop, lalo na sa mga teachers na halos araw-araw gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo. Hindi na kasi puro libro at blackboard lang ang ginagamit sa paaralan. Kailangan na rin makasabay ang mga guro sa makabagong panahon.

Sa totoo lang, hindi biro ang trabaho ng isang teacher. Bukod sa pagtuturo sa mga estudyante, sila rin ang gumagawa ng lesson plan, modules, reports, presentations at kung anu-ano pang requirements. Minsan nga, kahit tapos na ang klase, tuloy pa rin ang trabaho nila pag-uwi sa bahay. Kaya malaking tulong talaga kung may laptop silang magagamit para mas mapadali at mapabilis ang mga gawain nila. Hindi lang ito basta gadget, kundi isang gamit na makakatulong para mas maging maayos ang kalidad ng edukasyon.

Pero para sa akin, hindi dapat hanggang pamimigay lang ng laptop ang solusyon. Dapat siguraduhin din ng gobyerno na maayos ang kalidad ng mga laptop, sapat ang bilang nito at talagang nakakarating sa mga gurong nangangailangan. Sana hindi rin ito maging pang-display lang o pangako na maganda pakinggan sa publiko. Mas maganda kung may kasunod itong mga programa tulad ng libreng internet, computer training at sapat na suporta para magamit nang maayos ng mga teachers ang teknolohiya.

Hindi rin natin dapat kalimutan na bukod sa kagamitan, kailangan din ng mga guro ang sapat na sahod, maayos na benepisyo at respeto sa kanilang trabaho. Kahit gaano pa kaganda ang laptop na ibigay sa kanila, kung sobrang dami naman ng trabaho at kulang ang suporta, mahihirapan pa rin sila.

Sa kabuuan, positibo ang pananaw ko sa pamamahagi ng laptop sa mga guro dahil isa itong hakbang para mapagaan ang kanilang trabaho at mapaganda ang sistema ng edukasyon sa bansa. mAng hiling ko lang, sana hindi ito matapos sa isang proyekto. Mas kailangan natin ng tuloy-tuloy na aksyon kaysa puro salita lang. Dahil kung gusto talaga nating umunlad ang edukasyon, dapat unahin at suportahan natin ang mga gurong araw-araw na nagsisikap para sa kinabukasan ng mga kabataan.

Tandaan natin, kapag tinulungan natin ang mga guro, tinutulungan din natin ang susunod na henerasyon.

LAPTOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with