^

Punto Mo

Bakit may biyenang pakialamera? (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NARITO ang ilang posibleng dahilan kung bakit nagiging pakialamera ang isang biyenan:

5. May inggit o kompetisyon sa manugang.

Sa halip na ituring na bagong miyembro ng pamilya ang manugang, nakikita niya itong karibal sa pagmamahal at atensiyon ng anak. Minsan, nagiging dahilan ito ng pagpuna, panla­lait at paghahanap ng mali sa manugang.

6. Hindi marunong gumalang sa personal boundaries.

May mga taong hindi nauunawaan na may mga bagay na dapat manatili sa pagitan ng mag-asawa. Nakikialam sa kanilang away, desisyon sa pera, pagpapalaki ng anak at maging sa kanilang pribadong buhay.

7. Ginagamit ang sakripisyo bilang panumbat.

Madalas marinig ang mga katagang, “Kung hindi dahil sa akin, wala ka ngayon.” Gina­gamit ang mga dating sakripisyo upang makontrol ang anak at obligahin itong sundin ang lahat ng gusto niya.

8. Takot na mapalayo ang anak sa kanya.

May mga biyenang natatakot na kapag naging malapit ang anak sa asawa nito, tuluyan na silang makakalimutan. Kaya sa halip na palakasin ang relasyon ng mag-asawa, nagiging dahilan pa sila ng tensiyon.

Ano ang dapat gawin?

Mahalagang magtakda ng malinaw na hangganan ang mag-asawa. Dapat din matutong magsalita ang anak sa kanyang magulang na hindi nangangahulugang kapag nag-asawa na ang anak ay tatalikuran na niya ang kanyang mga magulang. Ang ibig sabihin lamang nito ay mayroon na siyang sariling pamilyang kailangang pangalagaan at bigyan ng prayoridad. Samantala, ang mabuting biyenan ay hindi nakikipagkompetensiya sa manugang. Nauunawaan niyang ang kanyang tungkulin ay gumabay kung hinihingan ng payo. At dapat marunong siyang rumespeto kapag hindi sinunod ang kanyang opinyon.

FAMILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with