Tres Queridas (1)
NANGINGINIG ang mga daliri ni Diana habang hawak ang isang tasa ng kape. Walong taon na silang kasal ni Carlo, ngunit sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lamig sa dibdib.
Madalas umalis ang kanyang mister para sa mga business trip nito. Nagpaalam ito kaninang alas-singko ng umaga papuntang probinsiya ng Rio Claro.
Hinalikan pa siya nito sa noo at nangakong uuwi sa kamakalawa para sa 7th birthday ng kanilang anak na si Mateo.
Bago sumapit ang hapunan, nalaman na niya ang dahilan ng kanyang kaba nang naputol ang regular na palabas sa telebisyon para sa isang news flash.
“Flash report: Isang pampasaherong barko na MV Isla Victoria na patungong probinsya ng Rio Claro ang naiulat na lumubog sa bahagi ng Laut Timugan Passage...”
Nabitawan ni Diana ang baso. MV Isla Victoria. Iyon ang pangalan ng barkong binanggit ni Carlo sa kanyang text bago ito sumakay.
Tinawagan agad ni Diana ang kanyang kapatid para ihabilin muna rito ang anak. Mabilis siyang kumuha ng jacket at tumawag ng taxi. Hindi na niya inintindi ang gulo sa kusina o ang malakas na pag-ulan. Ang tanging nasa isip lang niya ay makarating sa pier. Kailangan niyang makita si Carlo.
Pagdating sa passenger terminal, nagkakagulo na ang mga tao. May mga umiiyak, may mga nagmamakaawa sa mga opisyal ng coast guard at ng shipping line.
Nakipagsiksikan si Diana hanggang sa makalapit sa information desk. Hindi agad siya naintindi ng staff ng shipping line dahil may isang Ingliserang babae na nagwawala sa harap niya.
“What do you mean you’re still verifying the passenger manifest?! My husband was on MV Isla Victoria! His location pin on my phone is literally in the middle of the ocean and it stopped moving two hours ago! His name is Carlo Evangelista!” sigaw ng babae.
Natigilan si Diana. Hindi lang kasi parehas na Carlo ang pangalan ng kanilang asawa. Magkaapelyido pa ang mga ito. (Itutuloy)
- Latest















