Ambush-slay ni Boss Perry, wala pang mastermind!
PORMAL ng sinampahan ng kasong double murder ang anim na suspects sa ambush-slaying ng negosyanteng si Perry Mariano at kanyang driver subalit nag-iwan pa ito ng maraming katanungan. ‘Ika nga, parang puzzle pa rin ito. Bakit? Kasi nga mga kosa, kahit nasa korte na ang kaso, inamin ni QCPD director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio na hindi pa rin nila natuklasan ang motibo, lalo na ang mastermind nito. Sinabi ni Silvio na personal grudge at business-related na anggulo ang tinututukan nila sa kaso ni Boss Perry at drayber nito. Malakas ang paniniwala ni QCPD director Silvio na malulutas nila ito. “Kapag naaresto na namin ang mga suspects, t’yak may weakest link dito na tutuga at ituturo ang mga kasamahan n’ya, pati maging ang motibo at mastermind nito,” ayon kay Silvio. Mismooooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Kinilala ni Silvio ang mga suspects sa kanilang mga alyas na sina Uno, Besa, Boy, Bore, Frapa, at Pajo. Sinabi ni Silvio na nakilala ang mga suspects sa pamamagitan ng masusing CCTV backtracking, interbyu ng mga witnesses, digital forensic examination, at intel validation. Kaya’t nasundan ng mga imbestigador ang galaw ng mga suspects bago at matapos ang pag-ambush sa dalawang biktima. “Evidence showed that the suspects conducted surveillance in the vicinity prior to the attack and were seen at nearby establishments hours before the shooting,” ani Silvio. “ Further investigative efforts, including the verification of a GCash transaction and social media profiling, led to the identification of the suspected driver of the getaway motorcycle,” aniya. Dipugaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sa pamamagitan ng malawakang ballistic examination, ipinahayag ni Silvio na ang 45 kalibre na ginamit sa pag-ambush kina Boss Perry at ng driver nito ay ginamit din sa isang shooting incident sa Arayat, Pampanga. Tsk tsk tsk! Gun-for-hire ang mga suspects? Ano ba ‘yan? Kasalukuyang ginagalugad ni Lt. Col. Ediwon Ouano, chief ng CIDU ang posibleng pinagtataguan ng mga suspects para maaresto ang mga ito.
‘‘The filing of these criminal complaints is a significant step toward securing justice for the victims and holding those responsible accountable before the law. We assure the public that the QCPD will continue its operations to locate and arrest all suspects and ensure the successful prosecution of this case,’’ ani Silvio. Abangan!
- Latest




















