‘Nail Cutter’ (Part 6)
NANG mailagay ko sa mesa ang nail cutters na aking binili sa Manfouha, isa-isa kong ininspeksiyon ang mga iyon. Tuwang-tuwa ako dahil iba’t ibang klase at laki ang nail cutters. Hindi aakalaing segunda mano dahil makikintab at wala ni isa mang may kalawang. Bago lahat sa tingin ko.
Habang aliw na aliw ako sa pagpili, isang nail cutter ang umagaw ng aking pansin. Kakaiba ito. Gold ang kulay. Makinis na makinis.
Lalo pa akong namangha nang hawakan ito dahil mabigat! Iba ang bigat kaysa ibang nail cutter.
Sinuri ko. Halos kaparehas lang ng ibang nail cutter. Ang kulay lang at bigat ang ipinagkaiba.
Inihiwalay ko ito sa karamihan.
Pero hindi ako mapakali dahil malakas ang kutob ko na kakaiba ang nail cutter.
Sinuri ko uli ito. Sinaliksik ang ilalim.
Hanggang may makita akong nakasulat. Hindi ko mabasa dahil sulat Arabic.
Kinabahan ako.
Hindi kaya antique ang nail cutter? O tunay na gold?
(Itutuloy)
- Latest















