^

Punto Mo

Life lessons

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa
  • Akala mo lang ay busy sila kaya wala silang oras sa iyo, pero ang totoo, hindi ka nila priority.
  • Ang ibang tao ay parang “weather”, mahirap silang mahulaan at walang makakakontrol sa kanila.
  • Huwag malito sa pagkakaiba ng “personality” at “attitude”. Ang personality ay ang totoo mong ugali. Samantalang ang atti­tude ay ugaling ipinakita niya, matapos ang kanyang paki­kipag-interaksiyon sa ibang tao.
  • Ang madalas maligaw sa daan ay ‘yung mahilig dumaan sa “shortcut” dahil mainipin at kulang sa tiyaga.
  • Kapag nagpokus sa problema, lalo lang dumarami ito. Mas mainam na magpokus sa solusyon dahil kasunod nito ay maraming oportunidad.
  • Ang mga walang ambisyon ay mahilig gumawa ng drama na madalas ay nagdudulot ng kaguluhan sa pamilya. Kaya sumama ka sa mga taong may mataas na pangarap na alam ang gustong mangyari sa kanilang buhay.
  • Pag-aralan kung kailan ka dapat tumanggi. May mga taong walang hiya sa katawan at mahilig mang-abuso ng kabaitan ng kapwa.
  • Minsan naitatanong mo sa sarili kung bakit biglang nilayuan ka ng mga kabarkada kahit wala kang maisip na dahilan. Una, hindi sila kaibigan at nagkukunwari lang; pangalawa nainis sila sa iyo dahil isang kahilingan ang iyong tinanggihan. Nahalata nila na mahirap ka nang manipulahin. Hindi ka nila mauto.
  • Huwag maliitin ang taong hindi pumapatol sa mga kamalditahan mo. Tahimik lang siya sa pag-iisip kung paano ka niya sosorpresahin. Basta ka na lang matutumba nang walang kalaban-laban.

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with