^

Punto Mo

‘Gansa’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANGYARI ito noong 1982. Kaga-graduate pa lang sa kolehiyo. Nagkaya­yaan kaming magkakaklase sa bahay ng isa naming classmate na may malawak na lupain sa Bulacan. Bukod sa may palaisdaaan sila ay may mga alaga pang gansa, itik at pato. Lima kaming babae na nagtungo roon. Best friends kami. Mula first year hanggang fourth year ay magka­klase. Iisa ang aming major.

Iyon ang una naming pagpunta sa bahay ng aming ka­klase na si Mira. Nagulat kami dahil napakalaki ng kanilang bahay. Ang nakakahanga, ang malaki nilang bahay ay napapaligiran ng palaisdaan. Parang nasa isang isla ang kanilang bahay. Malawak ang bakuran na natataniman ng iba’t ibang puno na namumunga. Mayroon ding mga gulay. Sa tabi ng palaisdaan (tilapia ang inaalagaan nila) ay kulungan ng gansa, itik at pato. Napakaraming gansa. Nakita namin na nagkalat ang itlog sa paligid.

Siyempre pa naging masagana ang aming pa­nanghalian. Sariwang tilapia na inihaw, adobo sa gata at prito. Mayroon ding inihaw na igat (eel). Napakasarap ng kanin na ayon kay Mira ay kaaani lang daw. Malawak ang taniman nila ng palay. Ang himagas namin ay halayang ube at matamis na buko. Sabaw ng buko na maraming yelo ang aming drinks. Hindi namin maipaliwanag ang naranasang busog.

Hindi pumayag si Mira na umuwi kami ng araw na iyon. Kinabukasan na raw kami umuwi para mahaba ang a­ming kuwentuhan. Baka hindi na raw kami magkita-kita dahil ang paghahanap na ng trabaho ang aming aatupagin. Walang nakatutol kay Mira. Kaya sa isang malaking kuwarto kami sama-samang natulog. Halos magdamag kaming nagkuwentuhan. Ang lakas ng aming tawanan.

Kinabukasan, masaganang almusal ang inihanda sa amin ng mababait na tatay at nanay ni Mira. Pritong itlog, itlog na pula na may ginayat na sibuyas at kamatis, daing na dalag, pritong manok, fried rice at barakong kape. May himagas pang leche flan at bukayo.

Hindi kami makatayo sa kabusugan. Pagkatapos kumain, niyaya kami ni Mira para mamitas ng prutas na dadalhin daw naming pauwi. Kung gaano raw karami ang mapitas namin, iyon ang aming iuuwi. Guyabano, bayabas, mangga, rambutan, sinigwelas at iba pa ang aming pinitas.

Pagkatapos mamitas, ­nagyaya ang mga kaklase ko na magtungo sa kulungan ng mga gansa at itik. Gusto raw nilang makita kung gaano kalaki ang itlog ng gansa at itik.

Nang dumating kami sa kulungan, maraming nakalabas na gansa. Nabuksan ang pintuan.

Ako ang nasa unahan. Wala akong kamalay-malay na matapang pala ang gansa kapag may mga anak o sisiw. Nanghahabol pala ito. Ang akala ko, hindi nito itutuloy ang paghabol sa akin. Tumakbo ako. Patuloy ang paghabol. Hindi ako nilubayan. Hanggang sa matalisod ako at bumagsak sa hukay na may tubig. Basang-basa ako. Saka lamang tumigil ang gansa.

Nag-aalalang lumapit sa akin sina Mira at tinulungan akong makaahon sa hukay. Pagkatapos ay nagtawanan kami. Hindi ko malimutan ang karanasang iyon.

vuukle comment

ANIMAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with