^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, inaresto matapos labhan ang mga bra at panty ng kapitbahay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INARESTO ang isang 50-anyos na lalaki sa Shizuoka Prefecture matapos niyang pasukin ang apartment ng kapitbahay na babae para labhan ang mga bra’t panty nito!

Naganap ang insidente sa isang apartment building sa Hamamatsu. Lumabas sandali sa kanyang apartment ang hindi pinangalanang 28-anyos na biktima para bumili ng pagkain. Nakalimutan nitong i-lock ang main door ng apartment kaya madaling nakapasok ang suspek.

Target ng suspek ang mga bra at panty ng biktima ngunit hindi para nakawin ang mga ito kundi labhan. Pagbalik ng biktima sa kanyang apartment nagulat ito nang makitang nalabhan na ang kanyang mga underwear at nakasampay na ito.

Agad nireport ng biktima sa mga pulis ang nangyari at nahuli ang suspek.

Sinampahan ng kasong trespassing ang suspek. Inaalam pa ang motibo kung bakit nilalabhan ng suspek ang mga bra at panty.

vuukle comment

UNDERWEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with