^

Punto Mo

EDITORYAL — Pagpapatrulya sa WPS, paigtingin ng PCG

Pang-masa
EDITORYAL � Pagpapatrulya sa WPS, paigtingin ng PCG

Paigtingin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagpapatrulya sa West Philippine Sea (WPS). Ipakita sa China na hindi matitinag kahit bugahan nang nakakamatay na tubig. Huwag susuko gaano man karami ang humaharang na China Coast Guard (CCG) at Chinese militia vessels.

Noong nakaraang linggo, nakaranas na naman ng panibagong pangha-harass ang barko ng PCG at ang barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Walong beses binugahan ng “nakamamatay” na tubig ang BRP Bagacay ng PCG. Binugahan din ng tubig ang BRP Datu Bankaw ng BFAR at saka binangga.

Sa lakas ng pagbangga sa BRP Bankaw, nabasag ang salamin sa unahan ng barko. Tinamaan din ng pambobomba ang communication at navigation systems ng dalawang barko.

Sa kabila ng mga nangyari, sinabi ni PCG na wala silang planong gumanti sa China kahit “very fatal’’ ang nangyari. Hindi raw sila duwag gaya ng sinasabi nang marami. Ayon kay PCG spokesperson Commodore Jay Tarriela, tatalima sila sa payo ni President Ferdinand Marcos Jr. na manatiling propesyunal at hindi gaganti sa pambobomba ng tubig.

Hanggang kailan magsasawalang-kibo sa ginagawa ng China sa mga barko ng Pilipinas? Masyado nang agresibo ang CCG at ang Chinese militia. Kapag namataan nilang paparating ang barko ng Pinas na may lamang suplay, nagkukumpulan silang animo’y pukyutan. At saka bubugahan ng tubig na maaaring ikamatay nang sinumang tatamaan nito. Malaki ang pinsala ng BRP Datu Bankaw at pati umano ang bandila ng Pilipinas ay nabasa at nasira dahil sa malakas na pressure ng tubig. Maghain ng protesta sa ginawang ito ng CCG na paglapastangan sa bandila ng Pilipinas.

Walang balak gumanti ang PCG pero mariing sinabi ni Tarriela na lalo pa nilang paiigtingin ang pagpapatrulya sa WPS. Hindi raw sila mapipigilan ng China at patuloy na magpapatrulya sa lugar at mamimigay ng ayuda sa mga ­mangingisda, kasabay nang paninindigan na ang WPS ay pagmamay-ari ng Pilipinas.

Ipagpatuloy ang pagpapatrulya. Hindi dapat masindak sa ginagawa ng China.

vuukle comment

PHILIPPINE COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with