^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibawal ang plastic

Pang-masa
EDITORYAL - Ibawal ang plastic

Noong Biyernes, inilunsad ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Kalinisan Program na ang hangarin ay magkaroon ng malinis at ligtas na komunidad. Ayon kay Marcos, ang Kalinisan ay unang hakbang upang pagtuunan ng pansin ang problema sa air and water pollution, climate change at pati na ang kriminalidad. Ang Kalinisan ay kumakatawan sa Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan. Ang paglulunsad ng Kalinisan ay nataon sa paggunita ng “Zero Waste Month” ngayong Enero. Hangarin na walang basura kahit saan. Nararapat na malinis ang buong kapaligiran. Napakaganda kung maipatutupad ang kalinisan sa buong bansa.

Sa paglulunsad ng Kalinisan ang problema sa plastic pollution ang nararapat iprayoridad sapagkat umaapaw na ang plastic sa mga estero, kanal, ilog at iniluluwa ang mga ito sa karagatan na malaking panganib sa mga lamandagat.

Plastic pollution ang isa mga problema ngayon nang maraming bansa, kabilang ang Pilipinas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia na malakas mag-produce ng basurang plastic. Nang maupo si President Ferdinand Marcos Jr. noong 2022, binanggit niya ang problema tungkol sa plastic pollution. Nangako siya na tutulong sa paglilinis sa mga karagatan na hinahantungan ng mga basurang plastic. Hindi umano niya tatalikuran ang paglinis sa karagatang pinipinsala ng basurang plastic.

Wala nang control sa paggamit ng mga supot na plastic o ang single-use plastic. Kahit pa may batas o ordinansa sa mga bayan at lungsod, na bawal gumamit ng plastic, hindi rin ito naipasusunod. Wala kasing batas na nagbabawal na gumawa ng mga supot na plastic gaya ng sando bags.

Ang mga plastic na ito ang bumabara sa drainages kapag panahon ng tag-ulan at nagiging dahilan ng pagbaha. Maraming taon ang bibilangin bago tulu­yang mawala ang bara sapagkat matagal matunaw ang mga plastic. Kahit magsagawa pa ng paglilinis ang Metro Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways sa mga imburnal, balewala rin sapagkat pagtalikod nila, magtatapon na naman ang mga walang disiplinang mamamayan. Walang pakialam kung dumumi man kapaligiran.

Ayon sa DENR, nagsasagawa sila ng mga ­pananaliksik kung anong bagay o produkto ang dapat palit sa single-use plastics. Sa Thailand, hindi na sila gumagamit ng plastic para lalagyan ng produkto. Dahon ng saging ang kanilang ginagamit. Ayon naman sa Department of Finance, buwisan ang single-use plastics para kumita ang pamahalaan.

Pinakamainam ay magkaroon ng kampanya kung paano maitatapon nang maayos ng mamamayan ang mga basurang plastic. Ipatupad din ang recycling ng basura. Kung hindi magtagumpay sa mga ito, ibawal ang paggawa ng plastic.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with