^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming Kabataan ang alipin ng alak

Pang-masa
EDITORYAL - Daming Kabataan ang alipin ng alak

Pinatay sa saksak ng isang 15-taong gulang na lalaki ang kanyang stepfather sa Bacoor City, Cavite noong Martes. Umawat lamang ang biktima sa pag-aaway ng stepson at kapatid nitong lalaki. Pero sa halip na makinig ang stepson, kumuha ng patalim at pinagsasaksak ang stepfather. Nasa impluwensiya umano ng alak ang suspect nang isagawa ang karumal-dumal na krimen.

Kamakailan, isang grupo ng mga kabataan sa Caloocan City ang nagrambulan dahil sa kalasingan. Nag-iinuman umano sa harap ng bahay ang mga kabataan dakong alas otso ng gabi nang mapadaan ang isang grupo ng mga kabataan at nagkatinginan. Kasunod ay nagrambulan na.

Halos ganito rin ang nangyari sa isang grupo ng mga kabataan na kinabibilangan ng mga lalaki at babae sa isang probinsiya sa Visayas. Nag-iinuman din ang mga kabataan nang magkapikunan at kasunod ay rambulan. Marami ang nasaktan.

Sa isinagawang pag-aaral ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), sinasabing 13.2 percent ng mga Pilipino na may edad 10-19 ay umiinom na ng alak. Ayon pa sa pag-aaral, 16.1 percent ay mga lalaki at 10.4 percent naman ang mga babaing umiinom ng alak. Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ang mga kabataang manginginom ay nakakakonsumo ng isa o higit pang uri ng alak. Ayon pa sa WHO, ang pag-inom ng alak ang pangunahing dahilan nang pagkakasakit at maagang pagkamatay ng mga kabataang nasa edad 15 hanggang 49.

Isang panukalang batas ang House Bill No. 1753 (Anti-Underage Drinking Act) ang inihain noong Hulyo 11, 2022 upang itaas ang legal na edad sa pag-inom ng alak. Nakasaad din sa panukalang batas na parurusahan ang mga magbebenta ng alak sa mga menor-de-edad.

Sinabi naman ng DOST na mahalaga ang papel  ng mga magulang para maiiwas sa maagang pag-inom ng alak ang kanilang mga anak. Dapat maipabatid ng mga magulang ang masamang kahihinatnan ng pag-inom ng alak. Kailangang gabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi malululong sa pag-inom ng alak. Suportahan ang House Bill No. 1753 upang mailigtas ang kabataan sa bisyong alak.

vuukle comment

CAVITE

DOST

WHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with