^

Punto Mo

Paano magiging merry ang Christmas?

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MATATAPOS na ang mahabang paghahanda dahil sa Lunes ay Christmas na. Noong unang Christmas, abalang-abala ang mga tao dahil sa pagsunod sa utos ng Emperador na ang lahat ay magpatala para sa pagbubuwis. Dahil punumpuno ang mga bahay-panuluyan, naganap ang isang napakalungkot na pangyayari—walang espasyo sina Jose at Maria sa mga bahay-panuluyan kung kaya si Hesus, ang Diyos na nagkatawang-tao, ay isinilang sa kainan ng mga kabayo.

Walang ipinagkaiba ang ating panahon. Sa tuwing sumasapit ang kapaskuhan, abalang-abala ang mga tao: punumpuno ang mga mall, hotel, restaurant at mga pasyalan. Kabi-kabila ang mga Christmas party. Bili rito, bili roon. Mapera ang mga tao dahil sa bonus at 13th month, samantalang ang iba’y mayroon pang 14th at 15th month. Mayroon ngang umaabot pa sa 18th month.

Kapag kapaskuhan, sumisigla ang ekonomiya dahil tumataas ang paggastos ng mga tao. Hanggang ngayon ay may tinatawag na “revenge spending.” Pagkatapos ng pandemya, ngayon lang talaga nabalik ang malaya at maluhong selebrasyon ng Christmas. Pero ang malaking tanong, may espasyo ba si Hesus sa puso ng mga tao na abalang-abala sa pagsalubong sa Christmas? Hindi ba mas sikat pa kaysa kay Hesus si Santa Claus o Kris Kringel sa tuwing sumasapit ang Christmas?

Ang Christmas ay isang karanasang espiritwal na tulad ng nangyari sa mga pastol, ang kauna-unahang mga taong nakasaksi sa pagsilang ni Hesus. Nagdiwang sila sa pamamagitan ng paglapit kay Hesus at pagluwalhati sa Kanya bilang kanilang Tagapagligtas.

Sa ngayon, ang Christmas ay inilalarawan ng materyalismo, sa halip na espiritwalidad. Hindi na kay Hesus nakasentro ang pagdiriwang, kundi sa mga bagay na materyal. Dahil dito, sa halip na kapayapaan, kagulumihanan ang dulot ng kapaskuhan sa maraming tao.  Sa halip na luwalhatiin si Hesus na tulad ng ginawa ng mga pastol, marami ang abalang-abala sa pagbili ng mga bagay na bago. Nakalimutan na si Hesus ang dahilan ng Christmas.

Nang isilang si Hesus, inihayag ng anghel ang sikreto ng pagkakaroon ng kapayapaan.  Ganito ang sinabi ng anghel, “Luwalhati sa Diyos sa kaitaas-taasan, at sa daigdig, kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan.” Ang kapayapaan ay mararanasan lamang ng mga taong kinalulugdan ng Diyos. Ang Diyos ay nalulugod sa mga mapagpakumbaba na inilalarawan ng mga pastol. 

Sa Mateo 5:3 ay ganito ang sinabi ni Jesus, “Pinagpala ang mga mapagpakumbabang-loob sapagkat para sa kanila ang kaharian ng langit.” Ang pagpapakumbaba ay maipapakita sa pamamagitan ng simpleng pamumuhay; paggalang at pagpapahalaga sa karapatan ng iba; pagbabahagi sa iba ng mga tinanggap na pagpapala; pagpapatawad sa mga taong gumawa ng kasamaan; pag-iwas sa paggawa ng anuman na makakasama sa kapwa; paggawa ng mabuti sa lahat ng pagkakataon.  Ito ang sikreto ng pagiging totoong merry ng Christmas. Kapag nagawa natin ito, magiging merry tayo, at higit sa lahat, magiging merry si Hesus!

Kailanman, hindi tayo madudulutan ng tunay na kaligayahan ng mga materyal na bagay, sapagkat kapag nakuha natin ang isa, hahanap tayo ng isa pa. Tanging ang pananampalataya kay Hesus ang tatapos sa ating paghahanap. Kapag may espasyo sa ating puso si Hesus, magiging merry tayo, hindi lamang tuwing Christmas, kundi sa buong panahon ng ating buhay.

Sana, maranasan mo ang isang tunay na merry Christmas!

vuukle comment

CHRISTMAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with