^

Punto Mo

Ang pustahan sa papalit kay Acorda, bow!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Likas talagang sugarol ang mga Pinoy! Pati ba naman ang opisyal na papalit kay outgoing PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. ay pinagpupustahan pa. Ano ba ‘yan? May kanya-kanya silang manok kung sino ang incoming PNP chief at hindi alintana ang halagang P25,000. Puro may kaalaman sa takbo ng PNP itong mga pumusta kaya’t sa tingin nila, siguradong mananalo ang pinustahan nila. Mismooooo!

May mga Chinese sa kanila at mga aktibo at retiradong pulis. Baka naging amo o kaibigan siguro nila ang mga kandidatong tinayaan nila kaya malakas ang tiwala nilang mananalo ang mga ito. Hehehe! Libangan lang sa kanila ang malaking pitsa na puwede nang gastusin ng ordinaryong Pinoy sa darating na Pasko o Bagong Taon, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Kung sabagay, hindi naman bago ang pustahan na ito. Kaya lang, lumalaki ‘ata ang kantidad ng pusta. Sinabi ng mga kosa ko na dati-rati tig-P10,000 ang taya sa bawat kandidato hanggang sa tumaas ito sa P15,000. At biglang tumaas ito sa P25,000. Walang tax ito mga kosa at magkakilala ang mga tumaya. Friendly game lang, ‘no mga kosa? Dipugaaaaa!

Malalaman ang winner sa darating na December 1, ang naka-schedule na retirement honors ni Acorda. Hehehe! Sobrang excited ang mga sugarol sa pag-antay ng retirement day ni Acorda, ‘no mga kosa? Mismooooo!

Sinabi ng mga kosa ko na ang mga tinayaang pangalan ay ang sumusunod: CIDG director Maj. Gen. Romeo “Bong” Caramat, Lt. Gen. Emmanuel Peralta, Maj. Gen.  Mario Reyes, Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco, Maj. Gen. Jonnel “Esto” Estomo, NCRPO director Maj. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez at Brig. Gen. Ronald Lee.

Ayon sa kosa ko marami ang tumaya kay Caramat, at ang iba ay doble rin ang taya. Ang ibig bang sabihin mas matunog si Caramat na papalit kay Acorda, na buddy niya noong tinyente pa sila at naka-assign sa Pangasinan? Sal-it! Bukas pa ang tayaan at kung may manok ka, puwede pa kayong humabol ng taya mga kosa! Kaya ihanda na ang P25,000 n’yo. Dipugaaaa! Hehehe! Ang nakakatawa lang, kapag na-extend ang termino ni Acorda, abayyyyy tabla ang laban. Tiyak ‘yun! Sal-it!

Malapit na ang araw ng retirement ni Acorda subalit wala pang linaw kung sino ang papalit sa kanya. Sinabi ng mga kosa ko na maaring may sinabihan na ang kampo ni President Bongbong Marcos kung sino ito. Kaya lang hindi pa puwedeng ikalat at baka tamaan siya ng kidlat o black propaganda.

Ang maganda r’yan, ianunsiyo ang manok ni BBM sa mismong araw ng turnover para mabura na ang matagal ng kinaugalian sa PNP na gibaan, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize yan?

Hanggang kahapon, may humahabol pa ng taya pero sa category naman na P20,000. Daming pera ng mga loko, ‘no mga kosa? Hehehe! Mag-aabang na lang ako ng balato. Ang bago lang, ang maraming taya na ay kina Peralta at Caramat. Humahabol naman si soon-to-be Maj. Gen. Lee, na Ilokano at ang asawa na si Bong ay taga-Batac, Ilocos Norte ang hometown ng mga Marcos. Hehehe! Anong sey mo Executive Sec. Lucas Bersamin Sir? Araguyyyyy! Malakas ang tsamba ni Lee, ‘ika nga.

Iginigiit talaga ng mga kosa ko na ang papalit kay Acorda ay siguradong FBI. At ang mga FBI sa listahan sa itaas ay sina Reyes, Nartatez at Lee. Abangan

vuukle comment

BENJAMIN ACORDA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with