^

True Confessions

Suklam (112)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

MABILIS na dinampot ni Brent ang wallet na nalaglag sa bag ng babae. Hinabol niya ang babae na mabilis maglakad. Walang kamalay-malay ang babae na nalaglag ang kanyang wallet. Parang nagmamadali ang babae.

“Miss! Miss! Sandali! Wallet mo nalaglag!’’

Lumingon ang babae sa tawag ni Brent. Nasa mukha nito ang pagtataka.

“Wallet mo nalaglag!’’ sabi ni Brent at lumapit pa sa babae. Maganda ang babae. Hanggang balikat ang makintab at maitim na buhok. Tipong mabait ang babae.

“Maraming salamat Mister. Nagmamadali kasi ako kaya hindi ko naramdamang nahulog. Salamat uli!’

“Walang anuman Miss!” sagot ni Brent.

Nagpatuloy sa pagla­lakad ang babae hanggang mawala sa karamihan ng tao. Nagpatuloy din sa ­paglalakad si Brent. Pumasok siya sa department store. Bibili siya ng ireregalo sa aanakin sa binyag bukas. Bukod sa pera, gusto niya ay mayroon ding ireregalong bagay sa aanakin. Nagtungo siya sa section ng mga pambata o pambaby. Lalaki ang aanakin niya at mag-iisang taon na raw. Lumapit siya sa babaing nag-a-assist sa customer. Nagtanong kung anong bagay na damit sa baby na one year old.

Itinuro sa kanya. Isang set ng shirt at isang set ng shorts. Kinuha niya. Pagkakuha, pumila siya sa cashier.

Nagulat siya dahil ang nasa unahan niya ay ang babaing nahulog ang wallet. Nagkatinginan sila.

“Bumili ka rin para sa baby?’’ tanong ng babae.

“Oo. Ireregalo ko sa aking aanakin sa binyag bukas,’’ sagot ni Brent.

“Aba mag-aanak din ako sa binyag at bumili rin ako ng pangregalo.’’

Nagkatawanan sila.

“Sige Mister,’’ sabi ng babae matapos magbayad.

“Sige Miss,’’ sagot ni Brent.

Umalis na ang babae. Binayaran naman ni Brent ang damit.

Pagkatapos, bayaran lumabas na siya ng department store.

Itutuloy

vuukle comment

SUKLAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with