^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibawal ang ‘unli rice’

Pang-masa
EDITORYAL - Ibawal ang �unli rice�

Nananatiling mahal ang presyo ng bigas. Dahil sa kamahalan, pakunti-konti na lamang ang binibili ng mamamayan—paisa-isa o dalawang kilo. Pero sa kabila na mahal ang bigas, nakapagtataka naman na maraming nasasayang na kanin. Kung mahal ang bigas, bakit may naaaksayang kanin. Bakit may itinatapon lang sa basu­rahan?

Ayon sa report, ang mga nasasayang na kanin ay karaniwang nanggagaling sa mga fastfood restaurants na nag-o-offer ng “unlimited rice”. May mga inorder na kanin na hindi kayang ubusin kaya itinapon na lang.

Ang mga nasasayang na kanin ay pinatunayan ng isang opisyal ng Department of Agriculture-Philippine Rice Research Institute (DA-PhilRice). Ayon kay Dr. Karen Barroga, executive director ng DA-PhilRice, dalawang kutsarang kanin ang nasasayang araw-araw na nagkakahalaga ng tinatayang P7.2 billion bawat taon. Ang nasasayang na kanin ayon pa kay Dr. Barroga ay maaaring magpakain ng 2.5 milyong Pilipino.

Marami raw sa mga Pinoy ang takaw-mata. Oorder nang maraming kanin subalit hindi naman uubusin. Kailangan daw magkaroon ng disiplina na kung gaano lamang karaming kanin ang kayang ubusin ang dapat orderin para hindi nasasayang. Hiling ni Barroga na ipatupad ng local government units (LGUs) ang ordinansa na pagbibigay ng mga restaurant ng kalahating cup ng kanin para maiwasan ang pag-aaksaya sa kanin.

Ngayong Nobyembre ay National Rice Month Awareness at magandang pagkakataon para maipabatid sa mamamayan ang kahalagahan ng pagsisinop sa kanin na numero unong pagkain ng mga Pilipino. Maglunsad ng kampanya ang lokal na pamahalaan upang huwag maaksaya ang kanin.

Kumilos din sana ang mga mambabatas na gumawa ng batas na nagbabawal sa mga restawran na mag-offer ng “unli rice”. Itigil na ang offer na ito na dahilan kaya maraming naaaksayang kanin. O himukin ang mga restaurant na mag-serve ng kalahating cup ng kanin para walang matapon. Yun lang kayang ubusin ang isilbi.

Posibleng ang pag-aaksaya sa kanin ay isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon, patuloy ang bansa sa pag-angkat ng bigas. Walang tigil ang importasyon at habang ginagawa ito, wala ring tigil sa pag-aaksaya sa kanin.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with