^

Punto Mo

P34-B PLEX sa Pangasinan, go na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PATUNGO sa pagiging investment hub ang Pangasinan dahil sa pagtupad ni San Miguel Corporation President at CEO Ramon S. Ang sa usapan nila noon ni ex-President Fidel V. Ramos. Tandang-tanda pa ni veteran book author Melandrew Velasco ang pag-uusap nina RSA at Ka Fidel sa grupo ng Pangasinense sa isang pagtitipon.

“Don Ramon, continue being a nation builder. You are a silent patriot who has built, is building, and will build important infrastructures so that many Filipinos will have better quality of life, at no cost to the government, no guarantees and no subsidies from the government you have a grasp of what it means to be maka-Diyos, maka-Tao, maka-Kalikasan and maka-Bansa,” ani Ka Fidel kay RSA.

At nagbunga naman ang usapan nina RSA at Ka Fidel dahil magtatayo ang SMC ng joint venture expressway project sa Pangasinan na nagkakahalaga ng P34 bilyon. Wow bongga! Hehehe! Marunong tumupad sa usapan si RSA, ‘no mga kosa?

Itong proyektong PLEX ay mula sa Binalonan hanggang Manaoag na may layong 6.9 kilometro,  Manaoag patungo Calasiao na may 11.3 km., Calasiao spur 2.39 km. at Calasiao papuntang Lingayen 22.7 km. Ang Binalonan-Lingayen segment ang magiging first phase samantalang ang Lingayen-Alaminos City ang pangalawang phase.

Kapag natapos na ang PLEX mababawasan ang travel time mula Binalonan patungo sa ­capital town na Lingayen mula isang oras at 40 minuto sa higit kumulang 20 o 30 minuto lamang. Abayyyyy hindi na makatulog sa sobrang igsi ng biyahe ng mga Panganense, no mga kosa? At higit sa lahat, ang PLEX ay magiging revenue-generating project para sa probinsiya. Mismooooo!

Ang joint venture agreement ay pinirmahan na nina RSA at opisyales ng Pangasinan LGU sa pangunguna ni Gov. Ramon Guico III. Ibig sabihin go na ito.

“Being a native son of Pangasinan, I am delighted to learn of the good news that a joint venture agreement for the 76.80 km Pangasinan Link Expressway (PLEX) was signed by Gov. Guico and RSA,” ayon kay Velasco, na isa ring publisher at biographer ni Ka Fidel.

Si Velasco mga kosa ay palaging nabibigyan ng pribelihiyo na makasalamuha sina RSA at Ka Fidel sa RPDEV office sa Makati City, kasama sina dating MWSS Chairman/Administrator Gen. Reynaldo V. Velasco at iba pang Pangasinan boys tulad nina Engr. Fred Reyes, ret.Gen. Wilson Victorio at sportsman Freddie Jalasco. Hehehe! Wanakosey na ako rito mga kosa.

“This project will bridge the east and west corridors of the province, reflecting our commitment to enhancing regional connectivity. By catalyzing growth beyond Metro Manila, we are paving the way for broader opportunities for our fellow kababayan in the provinces. Thank you Governor Guico and the Pangasinan provincial team for helping make this vision a reality,” ayon naman kay RSA sa project launch.

Sa kanyang speech, pinuri at tinawag ni RSA ang Pangasinan bilang “great province” sa buong Luzon. Binanggit din n’ya ang iba pang proyekto ng SMC sa probinsiya tulad ng San Roque multi-purpose dam na balak palawakin para makakabuo ng 1,600 megawatt power at ang integrated mega poultry factory sa Sison. Ambot sa kanding nga may bangs!

Tinitiyak ni Velasco na kung buhay pa sana si Ka Fidel, siguradong ang huli ang kauna-unahang mag-“thumbs up” kay RSA na isinalarawan niyang “visionary, a patriot at strategic thinker.”

Abangan!

vuukle comment

RAMON S. ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with