^

Punto Mo

Mayor Calixto, may pananagutan sa na-raid na POGO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

INIREKOMENDA ni Interior Sec. Benhur Abalos ang pag-relieve kay Pasay City police chief Col. Froilan Uy at buong personnel ng sub-station dahil sa pagkatuklas ng POGO at sex trafficking ring sa isang building sa siyudad na tinaguriang “House of Sin.”

Pinaimbestigahan din ni Abalos kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. kung bakit nakaligtas sa pang-amoy ni Uy at mga tauhan ang sex trafficking at online gaming sa building sa kanto ng Willian at Harisson Streets. “The trafficking of human beings is a horror that we must stamp out. Any complicity by government agents in this modern- day evil cannot be tolerated,” ang giit ni Abalos sa kanyang sulat kay Acorda na may petsang Oct. 29.

Kaya habang iniimbestigahan ang kaso, nararapat lang na ma-relieve si Uy at buong personnel ng sub station na may sakop ng bullding sa ilalim ng guidance ng Commission on Elections, ani Abalos. Hehehe! Go, go, go lang Sec. Abalos Sir!

Nais ding panagutin ni Justice Sec. Boying Remulla si Pasay City Mayor Imelda Calixto kung bakit pinayagan n’yang maging pugad ng sex den, POGO at iba pang illegal na aktibidades ang building. Hindi makapaniwala si Remulla na sa napakaraming empleyado ng City Hall ay hindi nakarating sa kaalaman ni Mayor Calixto ang nangyayari roon.

Isa pa, si Calixto ang pumirma sa permit nito. Ang building ay ilang dangkal lang ang layo sa Pasay City Hall, sa police station, sa US embassy Waterfront at sa DFA. Pangalawang POGO na itong na-raid ng PAOCC sa Pasay City nitong nagdaang mga buwan. Bakit pinapayagan ni Calixto ang operation ng “House of Sin” sa kanyang siyudad? Tanong lang po mga kosa?

May kinalaman kaya si Boss Prince, ang bagman ng City Hall, sa kabuktutan na nangyayari sa building? Pakibusisi ng Marites kay Boss Prince, Sec. Abalos at Sec. Remulla Sirs! Matatapos din ang maliligayang araw mo Boss Prince. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Samantala, natuklasan naman ni Undersecretary Gilberto Cruz, ng Presidential Anti-Organized Crime Commission, na may torture chamber sa loob ng POGO hub. Nakakuha ang PAOCC ng airgun, posas, baseball bat at iba pang gamit sa pag-torture.

Sinabi ni Cruz na ang mga torture equipments ay ginagamit sa mga may utang sa management ng POGO hub, lalong na ‘yung gumamit ng mga babae o prostitution room o may mga atraso sa kanila. Inihanda na ni Cruz ang mga kasong human trafficking at torture sa anim katao, kasama na ang isang Pinoy. Behhhhh buti nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Tinarget naman nina Senate Majority leader Joel Villanueva at Minority leader ang Pagcor na maging  mas agresibo sa pagbabantay ng POGO operations. Anila, hindi dapat maging mukhang pera ang gobyerno kapalit ng problemang nililikha ng POGO sa lipunan. Mismooooo! Hayan Pagcor chairman Alejandro Tengco Sir, napupuna na ng mga pulitiko ang pagkakampi mo sa POGO. Hehehe! Sino ba ang ayaw ng pitsa. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Weder-weder lang talaga.

Pahabol! Sinabi ni Cruz sa kanyang report kay Executive Sec. Lucas Bersamin na umabot na sa 484 Chinese ang na-inquest na kahapon sa Pasay City prosecutor’s office. Hehehe! Kasunod nito ay deportation na naman! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with