^

Punto Mo

Bitay ang susugpo sa drug syndicates

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MULA pa noong 6000 B.C., talamak na ang adik sa morpina at opium sa Greece, Rome at mga bansa sa Middle East.

Noong 1521 hanggang 1959, laganap na sa Asya kabilang ang Pilipinas ang gumagamit ng opium at marijuana. Ginamit daw panggamot sa kaba at takot.

Wee! Di nga?

Sa panunungkulan ni Pres. Ferdinand E. Marcos Sr. inugit ang Republic Act 6425 (Dangerous Drug Act of 1972).

Unang nasampolan ang Chinese drug lord na si Lim Seng na hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad.

Tepok!

Tinanggal ang parusang death penalty noong 1987 sa panahon ni Pres. Cory Aquino at ibinalik noong 1993 sa panahon ni Pres. Fidel V. Ramos hanggang sa panahon ni Pres. Erap Estrada.

Sinampolan ni Erap si Leo Echegaray.

Binuhay ang RA 6425 at sinusugan ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa panahon ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.

Tinanggal ni GMA ang death penalty noong Hunyo 24, 2006.

Wa wentaaa!

Sa panahon ni Pres. Digong Duterte (2016-2022), isinulong niya ang war on drugs with his trademark “tokhang” at its best!

Maraming natokhang na adik pero maliit lang ang bilang ng natodas na drug lords. At least meron kahit dyutay lang!

vuukle comment

FERDINAND E. MARCOS SR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with