^

Punto Mo

EDITORYAL - Salot na tax evaders, pagbayarin, ikulong

Pang-masa
EDITORYAL - Salot na tax evaders, pagbayarin, ikulong

MAYROONG 214 corporate officers na hindi nagbabayad ng buwis at umabot na sa P6.1 bil­yon ang kanilang nadadaya sa pamahalaan, ayon sa Bureau of Internal Revenue. Ang mga salot na tax evaders ang dahilan kaya kapos ang bansa sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap. Walang pondo para sa mga serbisyong medical at iba pang panga­ngailangan partikular ang pagbibigay ng ayuda sa mga pinakamahihirap na pamilya. Gusto man ng pama­halaan na mapagkalooban ng sapat na serbisyo ang mamamayan, hindi matupad sapagkat kapos sa pondo. Kung nagbabayad sana ng buwis ang mga opisyal ng pribadong kompanya, posibleng matupad ang ha­ngarin ng pamahalaan.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, nagsampa na sila ng patung-patong na kaso laban sa corporate officers. Isinampa nila ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) noong Huwebes. Ayon pa sa BIR commissioner, umabot sa 127 criminal charges­ ang inihain nila sa corporate officials. Ang pagsa­sampa ng kaso ay una pa lamang sa mga hakbang laban sa tax evaders. Marami pa umanong iniha­handa ang ahensiya para mahabol ang mga negosyo­, kompanya at korporasyon na patuloy na hindi nagbabayad ng tax. Hindi umano titigil ang BIR hangga’t hindi nagbabayad ang tax evaders.

Kapag napatunayan umano na nagkasala ang mga corporate officers, makukulong ang mga ito bukod pa sa civil at tax liabilities na nakasaad sa batas. Ida­daraan daw sa due process ang lahat. Bibigyan ng pag­kakataong maipagtanggol ang sarili.

Tama ang hakbang ng BIR sa tax evaders. Maa­aring hindi lamang 214 ang corporate officers na hindi nagbabayad ng buwis. Paigtingin pa ng BIR ang pag-iimbestiga para masingil ang mga ayaw mag­bayad ng buwis. At maari ring matagal nang panahon na ginagawa ito.

Habang ang mga karaniwang empleyado ay regular na kinakaltasan ng tax sa kanilang karampot na suweldo, marami naman palang opisyal na hindi nagbabayad ng tax. Gustong makalibre gayung limpak-limpak ang kinikita. Hindi na sila nakonsensiya sa ginagawa. Kung sino pa ang malalaki ang kita, sila pa ang nandadaya sa gobyerno.

Ipagpatuloy ng BIR ang paghabol sa tax evaders. Manmanan din naman ng BIR ang mga sariling tauhan at baka “dinodoktor” ang libro ng mga kompanya para makapandaya. Marami ring mga gutom na “buwaya” sa BIR.

vuukle comment

TAX EVADERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with