^

Punto Mo

Babae sa hungary, na-in love sa kanyang laruang eroplano!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SIMULA pa pagkabata, mahilig nang mangolekta ng laruang eroplano ang 28- anyos na si Sandra. Ang pagkahumaling na ito ang dahilan para ang tahakin niyang career ay ang pagtatrabaho sa airport.

Pero noong Enero 2022 lamang na-realize ni Sandra na hindi lamang simpleng hobby ang mga eroplano dahil nang mabili niya sa halagang 600 euros ang laruang eroplano na pinangalanang niyang “Luffancs’’,  napagtanto niya na puwede pala siyang ma-in love sa plastic na laruan.

Hindi maipaliwanag ni Sandra kung paano siya dumating sa punto na pinili niyang maging boyfriend si Luffancs kaysa sa totoong tao. Ang alam niya ay mas mapagkakatiwalaan ito at mas napaglalabasan niya ng kanyang mga hinaing sa trabaho kumpara sa lalaking huli niyang nakarelasyon.

Ayon kay Sandra, hindi na niya kakayaning magkaroon ng boyfriend na tao. Nang tinanong siya kung ano ang mas matimbang sa kanya, ang laruang eroplano o totoong tao, mas pinili niya si Luffancs dahil ito na ang kanyang soulmate.

vuukle comment

TOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with