^

Punto Mo

COVID-19 vaccination program sa Mandaluyong, plantsado na!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

WALANG butas na nakita si Health Secretary Francisco Duque III sa paghahanda ng Mandaluyong City para sa immunization program nito kontra sa COVID-19. Pinangunahan ni Duque ang CODE  (Coordinated Opeartions to Defeat Epidemic) Team para inspeksiyunin ang iba’t ibang vaccination centers ng Mandaluyong noong Biyernes para tingnan ang ginagawang paghahanda ng siyudad sa pagbabakuna.

Ang unang binisita ni Duque at ng CODE Team ay ang Pedro Cruz elementary school ang isa sa 10 vaccination sites ng siyudad. Bitbit ang isang patpat, sinukat ni Duque ang isang metrong distansiya mula sa waiting area at sa lugar mismo ng pagbabakuna. Dumiretso si Duque at ang CODE Team sa registration area, sa counselling, screening bago sa lugar ng pagbabakuna.

Ipinasilip din sa Health secretary ang observation area kung saan ilalagay ang mga pas-yenteng makitaan ng side effect ng bakuna. Ipinahayag ni Mayor Menchie Abalos kay Duque na handang-handa na ang siyudad sa immunization program at vaccine na lang ang kulang. Mismooooo! Hak hak hak! Hindi pahuhuli si Mayor Abalos kung ang kaligtasan ng kanyang residente kontra virus ang pag-uusapan.

Ang target pala ni City Health oficer Dr. Alex Sta. Maria ay makapagbakuna ng 500 residente kada araw. Kailangan mula 15 hanggang 17 minuto ang pagbakuna sa isang tao, ani Sta. Maria. Para masiguro na hindi masayang ang bakuna, naglaan ang City government ng contingency plan kung saan kapag ang nakatokang babakunahan ay hindi sisipot, may naka-standby silang kapalit nito, ayon kay City Chief of Staff Jimmy Isidro.

Ito palang vaccine kapag hindi naiturok sa nakalistang residente ay masasayang lang kapag tumagal sa hindi malamig na lugar. Kaya kahit may cold storage facility ang siyudad ni Mayor Abalos, minabuti pa rin nilang magkaroon ng contingency plan para masiguro na walang sayang ang vaccine. Iginiit pa ni Bro. Jimmy na ang naturukan na may side effects ay dadalhin sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) at ‘yung nais magpa-confine naman sa pribadong ospital ay hindi nila pipigilan. Tumpak! Hak hak hak! Bahala na ang PhilHealth sa kanila, di ba mga kosa? Mismoooo!

Sinabi pa ni Bro. Jimmy na may aabot sa 690 doktor at nurses na na-training sa vaccination na puwedeng i-deploy na kapag dumating na ang bakuna. Hindi lang ‘yan! Para hindi maantala ang vaccination program ng City government, may support group na sila ng halos 50 personnel kada vaccination sites, ani Bro. Jimmy. Dahil walang makitang butas si Duque sa preparasyon ng Mandaluyong, aba hindi niya napigil na purihin si Mayor Abalos dahil ang paghahanda niya ay halos kasing parehas ng inilatag na proseso sa national ng DOH. Get’s n’yo mga kosa?

Habang wala pa ang bakuna, panay naman ang lecture ng City Health Office sa 27 barangay ng siyudad para alisin ang alinlangan ng mga residente sa pagbakuna. Samantala, si Duque at ang kanyang CODE Team ay mag-iikot din sa ipa pang siyudad at bayan sa Metro Manila para inspeksiyunin din ang kanilang paghahanda sa vaccination program nila. Abangan!

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with