^

Punto Mo

100 Tips: Life, Beauty & Happiness

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

(Part 7)

1. Narito ang mainam na gamitin kung nagsasawa ka na sa paggamit ng shampoo at conditioner: Ilagay sa blender ang mga sumusunod: 1 cup kakang gata, 1 pirasong avocado, 2 tablespoon honey at 2 tablespoon olive oil. Paikutin ang blender hanggang sa maging creamy ang mixture. Imasahe ang mixture sa anit at buhok. Hayaang nakababad ng 20 minuto saka banlawan ang buhok. Puwedeng ilagay sa refrigerator ang natirang mixture upang magamit sa susunod na pagpaligo.

2. May sikretong paraan upang hindi mapanis ang sinaing. Pagkatapos hugasan ang bigas at malagyan ng sapat na tubig, dagdagan ito ng suka. Kalahating kutsarita or one-half teaspoon na suka sa bawat 2 gatang na bigas. Haluing mabuti ang bigas upang makasigu­rado na humalo nang maayos ang suka.

3. Kung summer, pahiran ng lotion na may sunscreen ang lips. Kung cold weather, lip balm ang ipahid. Huwag gumamit ng may flavour at “medicated lip balm” dahil baka ito magkaroon ng allergic reaction sa iyong lips. Mainam na gamitin ‘yung may ingredients na beeswax, phenol, aloe vera or vitamin E.

4. Kung magpapainit sa microwave ng pancake or muffin na galing sa refrigerator, mag­lagay ng tubig sa tabi ng mga ito para maging moist.

5. Magbudbod ng cayenne pepper sa iyong mga tanim upang hindi ito kainin ng mga naligaw na hayop.

6. Kapag malangaw sa paligid, maglagay sa bowl ng kalahating basong suka na hinaluan ng 2 drops  dish washing liquid. Maaakit ang mga langaw na mag-dive sa suka-dish washing liquid mixture.

7. Anumang citrus fruits na mas manipis ang balat ay mas matamis kaysa makapal ang balat.

8. Kung magsisilbi ng pineapple juice sa party, gumawa ng ice cubes mula sa lemonade o kalamansi ade. Ito ang  ice cubes na ilagay sa inyong pineapple juice. Subukan. Masosorpresa ka sa sarap.

9. Hilaw pa o hindi pa sapat ang maturity ng pakwan kapag makintab ang balat.

10. Ipahid ang Vaseline sa dry na siko at talampakan.

(Marami pang kasunod…)

vuukle comment

HAPPINESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with