^

Punto Mo

2 South African, 35 oras nag-karaoke

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

DALAWANG South African ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record nang sila ay tuluy-tuloy na mag-karaoke ng 35 consecutive oras.

Ayon kay Jacqueline Brits at Rhinus Lotz ng Mbombela, South Africa ay plano sana nilang kumanta ng 48 oras, ngunit tumigil na sila sa ika-35 na oras ng kanilang singing session dahil sa labis na kapaguran.

Mabuti na lamang at sapat na Ito upang maungusan nila ang 25 oras na Guinness World Record para sa pinakamahabang karaoke duo marathon.

Live na naka-stream sa Facebook ang higit isang araw na pagkaka-karaoke ng dalawa

Bukod sa pagkamit sa world record ay nakatanggap din ang dalawa ng donasyon para sa muling pagpapatayo ng isang simbahan sa kanilang lugar.

Ayon sa dalawa, nakalikom sila ng $1,877 (katumbas ng P91,000)  na maaring ipanggastos sa pagpapagawa ng simbahan.

vuukle comment

SOUTH AFRICAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with