^

Punto Mo

Sen. Risa Hontiveros at ang NAIA-BI

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TOTOO ang mga ibinulgar ni Senator Risa Hontiveros tungkol sa modus ng ilang kurap immigration na nakipagsabwatan sa NAIA sa isyu ng ‘escort with a fee’ sa mga Chinese POGO workers na binibigyan ng VIP treatment kapalit ng malaking halaga ng salapi.

Sabi nga, maraming natarantang opisyal ng immigration ng ibulgar ni Hontiveros ang mga ibinulong sa kanyang ng kanyang tipster!

Kaya naman palakpakan ang mga nakarinig at nakapanood sa ginawang pagbubulgar ni Hontiveros nagtatalunan sa tuwa ang karamihan pero may nalungkot sa sibakan blues na ipinatupad ni Commissioner Jaime Morente the other day dahil may na promote na bugok sa airport .

Dapat himayin ni Hontiveros ang nangyari sa SM Aura noon tungkol sa diumano’y multi-billion scam regarding sa  ‘visa upon arrival’ at 9G visa ng mga Chinese nationals.

Dito siya makakakuha ng magandang idea kung bakit dumagsa ang mga illegal Chinese workers sa Philippines my Philippines.

Ipatawag mo Senator Hontiveros ang tinaguriang ‘tatlong itlog’ ng Aura?

Ang imbestigasyon dito ay ibinaon sa hukay at dalawa lamang sa tatlong itlog ang nasabit sa anomalya ang inalis pero hindi ito inurirat.

Kaya hayun nalimutan na ang mainit na isyung ito?

Bakit?

Iyan ang itanong ninyo sa mga top brass?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang hari ng VUA ‘escort with a fee’ regarding Chinese nationals at mga bumbay na kilala bilang si ‘coronavirus King’ ngayon ay hindi tinanggal sa NAIA bagkus na promote pa ang kamoteng ito.

Wow naman!

Isa mga tinanggal ni Morente,  ay top performer sa NAIA, walang bahid pame-mera ito na ginawa sa kanyang puesto .

Sabi nga, hindi kurap pero inalis bakit ?

‘Yan ang hindi natin maintindihan !

Mukhang naghugas kamay si Morente sa usapin sa NAIA, tinanggal ng puesto ang mga terminal heads dito kaya naman may umangal dahil ang isa sa mga nagalaw ay walang kasalanan  tungkol ito sa sinasabing pera-perang trabaho sa airport tungkol sa VUA.

Siguro dapat ipatawag ni Hontiveros si alyas Dennis ‘pisngi,’ ang tinaguriang ‘corona virus King’ sa NAIA dahil walang ginawa ang gagong ito kundi sumalubong ng mga Chinese nationals at pinalalabas na puro POGO workers ? Ano kaya ang masasabi ni Mr. Cuevas dito ?

Si Dennis ‘pisngi’ ang dapat pukpukin tungkol sa isyu ng POGO workers na dumagsa sa NAIA.

Ika nga, escort with a fee ?

Kilalang - kilala si Dennis ‘pisngi’ sa NAIA ng kanyang mga kabaro kung sino at ano ang kalibre at pinaggagawa nito !

Abangan,

vuukle comment

POGO WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with