^

Punto Mo

Fox, nakarating ng Canada mula norway sa loob lamang ng 76 na araw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

IPINAMALAS ng isang arctic fox ang tibay nito sa pag­lalakbay matapos itong maglakad ng 3,500 kilometro sa nagyeyelong paligid at marating ang Canada matapos lamang ng 76 araw simula nang umalis ng Norway.

Nilagyan ng satellite tracker ang arctic fox, nagsimulang maglakad mula sa isla ng Spitsbergen noong Marso. Sa loob lang ng 21 araw, narating na nito ang Greenland. Mula roon, narating na ng arctic fox ang Ellesmere Island ng Canada.

Sa ngayon, wala nang nakaalam sa kinaroroonan ng arctic fox dahil hindi gumagana ang tracker na sumusubaybay sa bawat pagkilos nito.

Ayon naman sa mga researcher, hindi lamang daw patunay ang paglalakbay sa tibay ng arctic fox kundi pati na rin sa kahalagahan ng mga nagyeyelong bahagi ng karagatan sa migration na ginagawa ng mga hayop.

Kung magpapatuloy kasi ang problema ng mundo sa global warming ay marami sa mga nagyeyelong bahagi ng karagatan ang matutunaw kaya mawawalan ang mga hayop ng katulad ng arctic fox ng tulay para sa kanilang mga taunang paglalakbay.

 

vuukle comment

FOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with