^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala nang mining sa 2019?

Pang-masa
EDITORYAL - Wala nang mining sa 2019?

MARAMI nang namatay dahil sa irespon-sableng pagmimina. Marami nang nasirang bundok, ilog, at iba pang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga tao. Sa simula lamang magbibigay nang ikabubuhay ang mga minahan pero kapag tumagal na, kapahamakan na walang katulad ang idudulot ng mga ito. Kaya ang sinabi ni Presidente Duterte na ipahihinto niya ang pagmimina sa 2019 ay karapat-dapat. Magandang desisyon para maiwasan na ang pagkamatay ng mga tao at pagkasira ng kapaligiran.

Kung walang nagmina sa Itogon, Benguet, hindi guguho ang lupa roon na kumitil sa buhay ng 70 katao noong Setyembre 15.

Sabi ng Presidente nang magsalita sa assembly ng rebel returnees sa Samar noong nakaraang linggo, ipagbabawal na niya ang pagmimina sa susunod na taon. Ayaw niya sa mining sapagkat sinisira ang kapaligiran. Sa Mindanao umano, ang open-pit mining ang dahilan kaya maraming butas ang mga kabundukan. Sa mga butas na ito naiipon ang mga tubig na nagiging dahilan nang paghina ng lupa na nauuwi sa landslides.

Ang matindi pa umano, ayon sa Presidente, P70 billion lang ang revenues na kinikita ng bansa sa mga mining companies. At ang halagang ito ay kulang pang pangpa-repair sa mga nasira sa environment at pambayad sa mga namatay. Ayon sa Presidente P70 billion times five ang gastos sa pagsasaayos dahil sa landslides, pero sira pa rin ang kalikasan.

Marami nang nangyaring pagguho dahil sa pagmimina. Halimbawa ay ang gumuhong bundok sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard, Southen Leyte noong Peb. 17, 2006 na ikinamatay ng 1,100 tao. Buong barangay ang natabunan ng putik at mga bato. Pagmimina ang dahilan ng landslides.

Ang pagkamatay ng ilog sa Boac, Marinduque at ang pagkakasakit ng mga tao roon ay isinisisi sa pagmimina ng Marcopper. Ang mga latak mula sa minahan ay umagos sa ilog na dahilan para ito mamatay kaya nawalan ng hanapbuhay ang mga tao.

Kung magkakatotoo ang sinabi ng Presidente na sa 2019 ay ipagbabawal na niya ang pagmimina, magandang balita ito sapagkat maililigtas na sa pagkasira ang kalikasan. Wala nang guguhong bundok na maglilibing nang buhay sa mga taong nasa paanan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with