^

Punto Mo

‘Dark secrets’ ng mga sikat

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Pablo Picasso

Babaero siya. Ang tingin niya sa babae ay basahan. Ayon sa isang babae na naging lover niya, si Picasso ay extraordinary artist pero walang kuwenta ang pag-uugali. Gusto niya ay masunurin ang babae sa kanya at ang height ay dapat na mas maliit kaysa kanya. Ang isa niyang kabit ay nagpakamatay samantalang ang dalawa ay natulala at naging baliw. Pruweba na masama talaga ang ugali nito sa mga babae.

Diniborsiyo muna ang kanyang legal wife. Pagkaraan ng ilang taon ay niligawan ulit niya ito at inuto na diborsyuhin ang present husband nito para muli silang magkabalikan at magpa-kasal. Pagkatapos hiwalayan ng wife ang present husband, bigla na lang naglaho si Picasso dahil nagpakasal na ito sa mas bata at sariwang babae. Niloko niya ang ex-wife para lang guluhin ang buhay nito.

Thomas Alva Edison

May mga tauhan siya sa kanyang kompanya na binabayaran niya para mag-isip ng mga bagay na dapat imbentuhin. Mababa lang siyang magpasuweldo. Kapag may naimbento ang kanyang empleyado, ipapa-register niya iyon sa kanyang pangalan at hindi man lang bibigyan ng credit ang mga taong totoong nakaimbento.

May ipinagawa siya sa isang scientist na nagngangalang Nikola Tesla. Ang pangako ni Edison, kapag naayos ni Tesla ang project na ipinapagawa, babayaran niya ito ng $50,000. Nagtagumpay si Tesla na maayos ang ipinagagawa ni Edison ngunit nang naniningil na si Tesla. Ang sagot lang ni Edison : Ikaw naman, hindi ka mabiro.You don’t understand American humor. Si Tesla kasi ay isang Austrian. Nagmatigas talaga si Edison na hindi magbayad kahit kailan.

 

vuukle comment

SIKAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with